Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Shaina pilit ikinukumpara kina Maja at Erich

Shaina pilit ikinukumpara kina Maja at Erich

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

PLANO pa lang kunin ni Kris Aquino bilang celebrity endorser para sa kandidatura ng kapatid niyang si Sen. Noynoy si Marian Rivera pero nag-volunteer na ang Darna star na su-suportahan niya ang senador.

Ayon pa kay Kris, kukuha siya ng top stars ng ABS-CBN at GMA-7 para tumulong sa kampanya ng kapatid.

Infact, tinawagan na niya ang kaibigan at manager ni Marian na si Popoy Caritativo para sabihin ang ba-lak niyang kunin si Marian.

Laking gulat ni Kris nang sabihin ni Popoy: "You know, hindi ko prinesyur at all si Marian. Hindi ko binanggit 'yung idea kung puwede siyang mag-endorse kay Noynoy. "

Si Marian daw mismo ang nagsabi kay Popoy na kay Noynoy sila sa dara-ting na eleksiyon.

Ang ikinatuwa pa ni Kristeta ay pinili ni Marian ang kanyang kapatid at tinanggihan ang dalawang presidentiables sa 2010, kung saan milyon daw ang offer ng mga ito sa bida ng Darna.

Samantala, ang boyfriend naman ni Marian na si Dingdong Dantes ay gusto ring kunin ng pamil-ya Aquino para maging youth spokesperson sa kampanya ni Noynoy.

Nakarating na rin kay Dingdong ang kagustuhan ng Aquino family, pero hindi pa raw nagkakausap ang hunk actor at si Sen. Noynoy.

* * *

HUWAG nang intrigahin sina Shaina Magdayao, Erich Gonzales at Maja Salvador, huh!

Kung nabigyan ng sa-riling teleserye si Erich na Katorse at si Maja naman ay kasama sa Nagsimula sa Puso na ipalalabas pa lang, hindi ito kinaiinggitan ng youngest sister ni Vina Morales.

Hindi naman ikinaila ni Shaina na gusto rin niyang magkaroon ng sariling teleserye.

"Of course I'm hoping, but walang maliit o walang malaking role," ayon sa young star. "As long as I believe du'n sa project at sa character na pino-portray ko, go na go talaga ako. Walang problema doon as long as mamahalin ko 'yung character ko. "

Mayroon din namang sariling programa si Shaina, ang Kambal sa Uma, na silang dalawa ni Melissa Ricks ang bida.

Natutuwa ang young actress dahil napakataas ng kanilang rating.

"More than being choosy, siguro I should just be thankful na I've been in the business for a long time and hindi ako nawawalan ng project," ayon pa sa dalaga.

Ang susunod na proyekto ni Shaina ay ang Mexicanovela na Rubi, kung saan ang bida ay si Angelica Panganiban kasama ang talk-of-the-town actor ngayon na si Jake Cuenca.

"Slowly but surely ang ginagawa ko and I compete with myself at hindi kung kanino man. 'Yun ang la-gi kong sinasabi sa sarili ko. Kasi 'pag inisip mo 'yan, kakainin ka ng insecurity mo, eh. And it's not healthy. It won't help you at all. It will only make you focus on the negative," pahayag pa ni Shaina.

* * *

HANGGANG ngayon ay traumatic pa rin ang mga tao dahil sa delubyong dala ng bagyong Ondoy.

Pero masuwerte pa rin naman tayo dahil 24 oras lang ang itinagal ng galit ni Ondoy.

Si Toni Gonzaga at ang kanyang pamilya ay sob-rang nagpapasalamat dahil blessed sila at hindi gaanong naapektuhan ng bagyong Ondoy.

"Mga kababayan ko 'yung mga nasalanta. Ninety percent kasi ng Rizal was really damaged at nagpapasalamat kami dahil kasama kami sa 10% na hindi," aniya.

Dahil sa Ondoy ay maraming commitment na hindi napuntahan ang anak ni Mommy Pinky. Pero hindi ito pinagsisihan ni Toni dahil nakatulong siya sa kanyang mga kababayan sa Rizal.

"I was a barangay kagawad for five years. Alam ko may mga relief na nangyayari, relief goods na prine-prepare dito sa Manila, sa ABS-CBN, but instead of going to ABS and bring all my stuff there and 'yung mga goods na mayroon kami, since nasa Taytay na rin lang naman ako kami na ang nag-organize ng sarili naming mga tulong at relief goods and up to now my mom is still there. "

Hindi lang sa kanilang lugar sa Taytay tumulong si Toni kundi sa iba pang lugar na naapektuhan ni Ondoy.

May punto ang huling sinabing ito ni Toni: "We really have to be prepared and na-realize ko na hindi naman pala kailangan ma-ging politiko, hindi ka kailangan maging member ng kung ano man association para makatulong. In your own special way pwede kang makatulong. It's about time na maging aware tayo sa kapaligiran natin kasi tayo rin naman siguro ang dahilan kung bakit nagka-kaganito, kung bakit binabaha dahil sa sarili rin nating kapabayaan. Ginigising lang tayo na mas maging aware at mas mahalin 'yung ating lugar. "

Samantala, muling ma-giging busy si Toni dahil gabi-gabi na namang mapapanood ang Pinoy Big Brother Edition 3 na regular siyang host with Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales.

Nakakaaliw ding panoo-rin ang tambalan nila ni Derek Ramsay sa Precious Romance Presents na napapanood Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Katorse.

* * *

MAY bagong programang ipalalabas ang TV5 sa October 21, ang Anghang, Atbp. , hosted by broadcaster Ed Verzola kasama si Ellaine Fuentes na nasa radyo din.

Ayon kay Verzola, ang show nila ay isang open forum kung saan ang tatalakayin ay pawang mga katotohanan at walang itatago sa publiko. First time na magkakaroon ng sariling TV show si Verzola, pero sinabi nitong ang pagra-radyo ay para na ring nasa harap ng telebisyon.

Napapakinggan si Verzola sa Radyo ng Bayan sa programang Boses, Lunes hanggang Biyernes, 10 a. m. -12 noon at tuwing Sabado sa DZRM siya sa programang Baletodo, 6-8 a. m. at Special Edition, tuwing Sabado, 6:15-8 p. m.

Source: Taliba