Apr 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Shalani denies 'single mom' issue

Author: Beth Gelena

SA interview kay Valenzuela Councilor Shalani Soledad ni Ricky Lo sa Startalk last Saturday, tikom pa rin ang bibig ng bagong host ng Willing Willie tungkol sa sa break-up nila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Bagaman totoong hiwalay na sila ni P'Noy, ayaw pa ring magbigay ng detalye ng dalaga maging ang kampo ng Pangulo.   Hindi rin maiwasang itanong sa kanya ang tungkol sa isyung umano ay may anak siya sa pagka-dalaga .

"Gusto ko rin pong sabihin na hindi po totoo na may anak ako," maikli niyang sagot.

Maging ang pagkaka-link niya sa kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian ay klinaro ng dalaga. Ayon kay Shalani, kung nakikita raw silang nagkakasama ng mayor 'yun ay dahil sa kanilang good working relationship.

"It's very professional. Hanggang doon lang po ang aming relasyon. Hindi rin po totoo na nagdi-date kami ni Mayor Sherwin," aniya.

Happy naman si Shalani kasi nagkita na sila ng biological father niyang si Mr. Adolfo Aguirre, dating chairman ng Banco Filipino. Three-months-old lang pala noon si Shalani nu;ng huli makit ang tunay na ama.

"There is still so much catching up to do. But I'm very thankful dahil kahit na busy siya, he really finds to make time para magkausap kami, magkita kami.   Masarap din na may alam kang isang tao pa na nagmamahal sa 'yo. Na puwede mong tawagin anytime na you can count on," say pa ng konsehala.

Lagi ngang binabati ni Shalani ang ama sa show nila ni Willie Revillame, noh!

* * *

SA panig naman ni Pangulong Noynoy Aquino, ina-min na rin niyang nagde-date sila ng personal stylist niyang si Liz Uy, ang ex ni John Lloyd Cruz.

"We have been spending some time together as long as our schedules would permit. But I guess at this point in time, that is the extent of it. At present time, I think I'm just recovering also from a recent engagement. And there are too many things and the schedules of both sides are really difficult to find common time, and especially when you're not given a little private time," pag-amin ni P'Noy.

Si Shalani ang tinutukoy na recent engagement ng Pangulo. Kasi naman, siya ang kauna-unahang single President ng bansa at  hindi kataka-takang marami ang interesado sa kanyang love-life.   Lumabas din ang balitang may planong magpakasal sina Liz at P'Noy kaya pati ang eldest sister ni P'Noy na si Balsy Aquino-Cruz , nagulat.

"Hindi ko alam na girlfriend na pala niya. Naka-kagulat. Alam ko naglalabas pa siya (P'Noy) ng iba pang babae," say ni Balsy.

Maging si Liz ay nag-tweet ng:"Not everything you read is true. "

Nag-react din ang The Buzz host na si Boy Abunda sa wedding issue.

"Nais ko lang pong iklaro na I'm speaking not as an official spokesperson for the President because I'm not part of the presidential press office. Ako'y nagsasalita lamang dahil ako'y tinatanong. Pangalawa, bilang kaibigan and I'm the official agent-manager of Liz Uy. According to Liz, hindi totoo ang balitang ito. Wala silang napag-uusapan na ganito. "

Source: People's Journal