Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Share ng 'lustayerang' si Kris, ilalagay sa trust fund -- Ballsy

Share ng 'lustayerang' si Kris, ilalagay sa trust fund -- Ballsy

Author: Nitz Miralles

Pansamantalang nawala ang network war sa libing ni former President Cory Aquino dahil sama-sama at tulung-tulong ang ABS-CBN at GMA-7 sa pagbibigay ng update mula sa Requiem mass hanggang sa pagdadala sa mga labi nito sa Manila Memorial Park kahapon.

Magkasama rin sina Karen Davila ng Channel 2 at Jessica Soho ng GMA-7 sa van kung saan nakasakay ang pamilya Aquino at pareho nilang nakausap ang naulilang magkakapatid, kabilang sina Sen. Noynoy at Kris.

Sa Requiem mass, kumanta sina Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Dulce, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jose Mari Chan at Lea Salonga.

Nakakapanibago at nakatutuwang walang na-edit sa Channel 2 man o sa Channel 7 sa mga Kapamilya at Kapusong kumanta.

Sa kanyang huling sandali, pinag-isa ni Pres. Cory ang two networks.

Habang patungong Manila Memorial Park ang cortege, ipinakita namang umaawit si Sarah Geronimo, Jed Madela at ang APO Hiking Society kasama ang mga umawit sa misa.

Kahit nakakaiyak, masarap makinig sa mga kuwento ni Kris tungkol sa kanyang ina at sa kanilang pamilya.

Napangiti kami sa kuwento niya tungkol sa manang tatanggapin nilang magkakapatid.

Ayaw na raw niyang maki-share dahil sabi niya, "meron" na siya, pero hindi pumayag ang Ate Ballsy niya.

Ilalagay daw sa trust fund ang share ni Tetay dahil lustayera siya.

Ang bahay naman nila sa Times St. , Quezon City, ay kay Sen. Noynoy mapupunta dahil ito lang ang walang bahay sa kanilang magkakapatid.

Pinaiyak ni Kris at ng kanyang mga kapatid ang buong bayan!

Source: People's Tonight