|
|
| Sharon Cuneta answers questions about her love life on SNN![]() Author: Heidi Anicete Sa isang eksklusibong panayam ng SNN kay Sharon Cuneta, buong tapang na hinarap ng Mega Star ang mga tanong kaugnay ng kanyang past relationships. At habang iniisa-isa ang mga lalaking minsang naging malaking bahagi ng buhay niya'y hindi niya maiwasang matuwa, at matawa na rin, bunsod ng ilang mga masasayang alaalang iniwan sa kanya ng bawat isa sa kanila. Inumpisahan ng renowned talkshow host na si Boy Abunda ang pagtatanong sa naging relasyon ni Mega kay Robin Padilla. Pagkabanggit na pangkabanggit pa lamang ng nasabing pangalan, halos di na maawat sa kakahagikgik si Sharon. Kwento niya, sadyang naging masay raw ang pagsasama nila ni Binoe noon gawa na rin ng pagkakapareho nila ng brand of humor. Sa kasamaang palad nga lang daw talaga'y it didn't work out for them. Paggigiit nga dito ni Mega, "I really loved Binoe. You see, when we fell in love, I really knew nothing about him... But he is a lovely person... Naalala ko pa nga, ang tawagan namin noon is 'kambal' because we can literally finish each other's sentences." Halos ganito rin naman ang naging tugon ni Mega nang malipat patungkol sa naging relasyon nila noon ni Richard Gomez ang usapan. Minsan raw talaga, people can be too naive for love. Masyado raw nalulunod ang ibang tao, like her noon, sa thoughts ng pag-ibig to the point na iisipin mong kung ano ang meron kayo as of that moment could last for a lifetime. Pagtanda na lang din daw niya narealize na she was too young para maisip 'yon dati. As for failed relationships, bukas-loob namang ibinahagi ni Mega na ang pag-aasawa, with Gabby Concepcion, na marahil ang maituturing isa sa mga naging pagkakamali niya; ngunit on second thought, she claims na hindi lubos na pagkakamaling maituturing iyon dahil in one way or the other ay nagbunga naman ito ng magandang bagay in the end. Paliwanag nga niya, " Pagkakamali siguro yung nag-asawa ako noon ng maaga; pero hindi rin totally pagkakamali 'yon dahil kung hindi dun e wala akong KC [Concepcion]." Source: ABS-CBN Interactive |