|
|
| Sharon, Gabby payag na maging asawa ni KC si Piolo PascualAuthor: Gerry Ocampo MASAYANG-MASA-YA si Piolo Pascual dahil 'di niya akalain na makapagpo-produce siya ng pelikula. Sad to say nga lang, hindi nagustuhan ng mga nakapanood na entertainment reporter ang first produced in-die film niyang Maynila. Comment ng mga ito, napakapangit daw ng pag-kakagawa ng Maynila na black and white pa raw ang dating. Pero, bawi ng mga nagtaray, siguradong magugustuhan ng publiko ang isa pang indie film, na produced din ni Piolo titled Kimidora, na pinagbibidahan nina Eugene Domingo at Dingdong Dan-tes. Tungkol naman sa 're-lasyon' nila ni KC Concepcion, balitang sinagot na si Piolo ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. "Hindi pa po ako sinasagot. Pero, napakasarap ligawan ni KC," pahayag ni Piolo na ayaw namang sabihin kung paano niya sinu-suyo ang dalaga ni Megastar. Ikinatuwa ni Piolo na bo-to sa kanya sina Sharon at Gabby para kay KC kung sakaling siya na nga ang ma-ging boyfriend o asawa ng dalaga. Malaking bagay raw 'yon para magpursige at patunayan na malinis ang hangarin niya kay KC. Pero te-ka, gaano nga ba niya kamahal si KC? Kaagad na sagot ni Piolo: "Secret!"Basta ang alam daw niya ay masaya si-ya kapag kasama si KC at nawawala ang kanyang mga problema. At higit sa lahat, nakita raw niya sa dalaga ni Mega ang hinahanap niya sa isang babae. Anyway, ano naman ka-ya ang magiging reaction ni Piolo kapag nakarating sa kanya na hindi pa handang makipagrelasyon ni KC? Ito raw ang ipinangako ng dalaga sa parents na sina Sharon at Gabby na hindi pa muna niya seseryosohin ang pag-ibig. Kaya naman sobrang sa-ya rin nina Megastar at Gabo dahil gusto rin nila na mag-concentrate muna sa showbiz career at mag-enjoy sa pagkadalaga ang kanilang anak. * * * KUNG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr. ay magawa kayang magpaseksi ni Lovi Poe sa pelikula? Sa indie Film ni Lovi na ipinalabas kamakalawa sa CCP ay marami ang nagulat sa ipinakitang kaseksihan ng dalaga. Halos lumabas na ang boobs niya sa ilang eksena at may bed scene pa siya rito. Kung hindi pa nga napi-gilan ng kanyang mother ay natuloy rin marahil ang pagpo-pose ni Lovi sa FHM. Sinunod lang daw ng young actress ang utos ng kanyang mother na huwag munang mag-pose sa kahit anong men's magazine. Tsika pa ni Lovi, mana-natili siyang Kapuso at 'di totoo na susundan niya si Jolo Revilla sa Dos. Mas maganda nga raw 'yong mag-kaiba sila ng network ni Jolo para maiwasan ang pressure at mga intriga. Going back sa unang ta-nong namin kay Lovi na kung nabubuhay pa ang kanyang amang si FPJ at posibleng naging Pangulo ng bansa, ma-gagawa pa kaya niyang magpaseksi sa pelikula at mag-pose ng sexy sa men's maga-zines? Napangiti lang si Lovi at tumahimik. Nag-iisip na kung buhay pa nga kaya ang father niya ay papayagan ba siyang magpaseksi nito? * * * MALAPIT nang matapos ang shooting ng Ang Panday na entry ng Imus Production at GMA Films sa Metro Manila Film Festival this year. Sabi ni Sen. Bong Revilla na sadyang inagahan nila ang shooting dahil napakara-ming special effects na ila-lagay sa pelikula. Pagmama-laki ni Bong, mas magastos daw Ang Panday kumpara sa huli niyang pelikulang Re-siklo. Kasama rin sa Panday si Phillip Salvador na first time lalabas na talagang kontrabida. Although naging kontrabida na rin si Ipe, pero sa drama 'yon, first time lang niya ngayon sa isang action movie. Given na kaya napapayag si Ipe ay dahil best friend niya si Bong na hindi niya kayang tanggihan ang alok. Talagang pinaghandaan ni Ipe ang role dahil nagpakalbo pa ito para lalong luma-bas o lumutang ang role na kontrabida. Ang role kasi ni Ipe sa Panday ay 'yong ginampanan ng namayapang si Max Alvarado sa Ang Panday ni Fernando Poe, Jr na nagkaroon ng acting nomination noon sa naturang role. Samantala, kahit sob-rang busy ni Bong, hindi ni-ya nakaliligtaang mag-ta-ping ng Kap`s Amazing Stories na ipinapalabas every Sunday sa GMA7. Ani Bong: "Hindi ko puwedeng kaligtaan mag-taping ng KAS dahil sa show ay maraming aral na matututuhan ang mga tao parti-cular ang mga estudyante. Kaya kahit ano'ng mangyari ay hindi ko puwedeng iwanan ang pagho-host ng KAS every Sunday sa Siyete pagkatapos ng Showbiz Central. " * * * HANGGANG ngayon ay wala pa ring gaganap na Jessie sa Pinoy version ng Stairway to Heaven na magi-ging love interest ni Dingdong Dantes. Si Heart ang ma-ugong na napipisil, pero tila hindi pa sigurado ito. Ang nakarating sa amin ay may movie raw kasing gagawin sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista. Samantalang sa next project ni Richard na Pinoy version ng Full House pagkatapos ng kanyang Zorro ay may nakapagsabi sa amin na baka raw si Rhian Ramos ulit ang maka-partner ni Chard dito. Anyway, kahit sinong aktres ang mapili para sa Stairway to Heaven ni Dingdong at Full House ni Ri-chard ay siguradong isa namang mega-hit sa TV. Speaking of Dingdong, we asked him if ano'ng ma-sasabi niya na inaabangan na raw ng MTRCB kung gaano kaseksi ang Darna costume ni Marian Rivera. "Sa akin ay walang ma-sagwa sa costume na Darna ni Marian. Eversince na-man nang isatelebisyon ang Darna ay ganoon na talaga ang suot niya, May kaunting pagbabago sa hitsura pero seksi pa rin ang dating dahil naka-two piece nga. "Malaki ang paniwala ko na makapapasa sa taste ng MTRCB ang bagong Darna costume ni Marian. Hindi makikitid ang isip ng mga tao sa MTRCB," say pa ni Dingdong. * * * SA blessing ng opisina ng Movie Writers Welfare Foundation sa West Avenue Quezon City ay nakatsikahan namin si Ara Mina sa pagtakbo niyang konsehala sa 2nd District ng QC sa election. Hindi raw siya nanga-ngamba na intrigahin ulit. Sanay na raw siya sa intriga. Magmula nang pasukin daw niya ang showbiz ay 'di na siya nawalan ng intriga kaya ano pa raw ba ang bago kung danasin na naman niya ito sa pagpasok niya sa pulitika. Latest na tsikang naka-rating sa amin ay sasanib na si Ara sa partido ni QC Vice Mayor Herbert Bautista. Kung ito ay totoo, tila nag-iiwasan pa ring magkasama sa iisang partido sina Aiko Melendez na tatakbong vice mayor at Ara for councilor. Tatakbong mayor kasi si Herbert Bautista sa Kyusi at magiging ka-tandem niya as vice mayor ang dalagang anak ni Mayor Sonny Belmonte. Anyway, kahit na sa-ang partido siguro sumanib sina Aiko at Ara ay malaki ang posibilidad na manalo ang dalawa sa kanilang tatakbuhang posisyon sa dara-ting na election. Source: Taliba |