|
|
| Sharon, ayaw makialam sa hiwalayang KC-LinoAuthor: Vir Gonzales FEELING penitensiya ang megastar na si Sharon Cuneta nu'ng nakaraang Pasko at Bagong Taon. Paano ba naman, tikim lang ang puwede niyang gawin sa mga kaharap na masasarap na pagkain. Takot si Sharon na mag-celebrate ng birthday ngayong Jan. 6 na mataba uli. Kontrolado raw niya ang pagkain dahil magsu-shooting na nga sila ng Caregiver under Star Cinema. Tungkol naman sa napabalitang breakup ng anak na si KC Concepcion at Direk Lino Cayetano, ani Sharon, hindi siya nakikialam sa love problems ng anak. Dalaga na raw si KC at alam na nito ang tama at mali. * * * BAGONG taon, bagong producer, bagong director at bagong atake sa pelikula ang matutunghayan sa Metro Manila filmfest entry na Banal, starring Christopher de Leon, Paolo Contis and Alfred Vargas. Ngayon lang nakatikim ng matinding papel ang actor from Sta. Maria, Bulacan. Dahan-dahan ang pag-usad ni Alfred bago nakilala ng mga tagahanga. Malaking bagay ang pakikipagtambal niya kay Sex Bomb Rochelle Pangilinan nu'ng nakaraang episode ng afternoon series na Daisy Siete. Masa kasi ang followers ng show, kaya biglang nakilala si Alfred ng fans. * * * WALA kayang nag-explain kay Jinkee Pacquiao na pam-pictorial lang ang nakitang ka-sweetan ng asawang si Manny Pacquiao kay Ara Mina para sa Metro Manila filmfest entry na Anak ng Kumander kaya wala siyang dapat ipagselos? Sana rin, may nag-explain sa talent manager na si Becky Aguila na kailangan ang kissing scene nina Manny at Valerie Concepcion para panoorin ng mga kalalakihan ang pelikula ng MP Productions. Kung wala ang mga pangiliting ito, baka nga naman akalain ng moviegoers na puro bakbakan lang ang movie, na puwede naman nilang mapanood nang libre sa mga laban ni Manny sa TV. Ano kaya ang paliwanag ni Becky nu'ng hindi siputin ng alaga niyang si Valerie ang shooting na may 300 na extra? Balita namin, napagod ang caterer sa rami ng pinakain, tapos, hindi naman pala darating si Valerie. Malaki ang nagastos ni Manny bilang produ nu'ng araw na 'yon, pero binalewala lang ni Val. May kumuha pa kayang produ kay Valerie o magkainteres pa kaya si Manny na kunin siya sa susunod nitong proyekto? Just asking... Source: People's Tonight |