Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon, bubulabugin ang sikat na hotel! 'K' nina Allan at Jaya, matsutsugi na!

Sharon, bubulabugin ang sikat na hotel! 'K' nina Allan at Jaya, matsutsugi na!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

SIGURADONG magkakagulo ngayong Sabado ang mga guests at emple­yado ng Hotel Sofitel dahil kay Sharon Cuneta at iba pang cast ng ManoPo 6: My Mother ng Regal Entertainment.

First time kasing pumayag ang management ng five-star hotel na magsyuting doon kaya tuwang-tuwa si Mother Lily sa nangyari.

Eh, mabuti na lang, under ng Hotel Sofitel group ang Imperial Suites ng Regal producer kaya halos lahat ng facilities ng hotel gaya ng spa, kuwarto at iba pa ay magagamit sa shooting ng megastar.

Present din ang buong cast led by the megastar kasama ang lalabas na mga anak gaya nina Ciara Sotto at Heart Evangelista. Wala pa nga lang napi­ling kapalit kay JC de Vera na hindi na kasama sa movie dahil sa conflict of schedules.

Bale ang shooting sa Sabado ay second shoot na ng MP6 dahil nga­yong araw na ito, ang mga eksena ni Heart ang unang kukunan. Gaya ng ibang MP movies, si direk Joel Lamangan ang director ng MP6. Nakatakda ring mag-shoot ang movie sa Beijing, China sa third week of November.
***

Magpapaalam na sa ere ngayong Sunday ang All Star K! The P1M Videoke Challenge nina Allan K at Jaya after almost 8 years ng pamamayagpag sa ere.

Pero huwag iyakan ng videoke fanatics ang pagkawala ng ASK dahil the following week, isisilang ang bagong papalit na show na Bandaoke na ang dalawa pa rin ang hosts.

Siyempre, magkakaroon na ng live band na ba-back up sa mga celebrity contestants. Madadag­dag din kina Allan at Jaya ang winners ng Are You The Next Big Star? na sina Francheska Farr at Geoff Taylor pati na ang finalists na si Jay Perillo.

Bago at hi-tech ang production design ng Bandaoke at higit na exciting at entertaining ang format ng programa na ididirek pa rin ni Rico Gutierrez.
***

Nagdagdag ng Miss Pampabuwenas ang nagbabalik na Family Feud si­mula sa October 19 na ihu-host pa rin ng simpatikong si Richard Gomez.

“Siya ang magdadala ng pera. Seksi at pang-alis ng kaba ng mga contestants,” balita ni Richard.

Magaang na trabaho para kay Richard ang FF, kesa sa mga teleserye. Hindi raw magiging sagabal sa pagpasok niya sa pulitika.

“Natutuwa nga ako dahil mataas ang resulta ng survey ko. In short happy sila sa pagtakbo ko roon. In fact, ayoko sanang sa Ormoc pumasok sa pulitika. Ayokong guluhin ang fa­mily nila Lucy. Eh, it was the father of Lucy who gave the blessing. Sabi nila, wala talagang mangyayari rito sa Ormoc. Let's do something about it,” paliwanag ni Richard.
***

Nakatakdang pumasok sa mga susunod na episodes ng Darna ang Brazi­lian-Japanese model-actor na si Akihiro Sato. Kontrabida nga lang ang kanyang role, hindi gaya ng role niya sa SRO Cinemaserye Presents Moshi, Moshi, I Love You kapareha si Rufa Mae Quinto.

Less dialogues at more action ang gagawin ni Akihiro sa Darna at excited na siyang makasama si Marian Rivera na kilala rin niya.

Anyway, ngayong gabi sa Darna, saksihan ang labanan ng kampon ni Va­lentina (Iwa Moto) at kampo ng Babaing Tuod (Francine Prieto) kasama ang kaal­yadong sina Varona (Alyssa Alano) at Carni­vora (Teri Onor).

Manganganib din sa mga tuod si Gabriel (Alfred Vargas) at dahil hindi pa nakikita ang nawawalang mahiwagang bato, matutuklasan ni Narda (Ma­rian Rivera) ang tunay na pagkatao ng batang si Serpina.

Source: Abante