|
|
| Sharon bumisita sa shooting ng For The First Time nina KC at RichardAuthor: Nitz Miralles Walang gustong magkuwento kung ano ang nangyari sa pagbisita ni Sharon Cuneta sa shooting ng For the First Time, ang pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa Star Cinema. Last Saturday pa bumisita si Megastar sa shooting sa may Mandaluyong, pero hanggang ngayon, wala pang naisusulat kung ano ang happening sa set. Wala raw ikinuwento si KC kahit sa kanyang dalawang managers (Sandra Chavez & Shirley Kuan) at ganu'n din si Richard, na kahit kay Annabelle Rama, wala ring binanggit. Mukhang inililihim ng dalawa kung may sinabi man si Sharon sa kanila. Sa July 14 na ang alis nina KC at Richard para sa two-week shooting sa Greece at August naman ang playdate ng movie. Sa September sisimulan ni Direk Joey Reyes ang shooting ng When I Met You, Valentine's Day presentation ng GMA Films. Samantala, hindi na si Pokwang ang gaganap na yaya ni KC sa For the First Time, kung 'di si Candy Pangilinan. Maaalalang si Eugene Domingo ang unang napili to play KC's yaya, pero hindi pumuwede at may nagtsika sa aming hindi lang sa schedule ito nagka-problema. May conflict daw o hindi napagkasunduan ang Star Cinema at ang manager nito. How true? * * * Ang Adela, tribute film kay Anita Linda, ang opening film ng Cinemalaya Independent Film Festival na gagawin sa Cultural Center of the Philippines sa July 11. Magsisilbi ring parangal sa actress ang gala night, kung saan imbitado ang lahat ng nakatrabaho na ng actress. Kabilang dito sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Rhian Ramos, Jolina Magdangal, Jaclyn Jose, Amy Austria, Phillip Salvador, Caridad Sanchez at Vilma Santos. Darating din ang mga kasama ni Anita sa Adela na sina Perla Bautista, Iza Calzado, Ricky Davao, Jason Abalos, Joem Bascon at German Moreno. Sa direksyon ni Adolf Alix Jr. , ang Adela ay kuwento ng isang babaing nagdiwang ng kanyang 80th birthday na hindi man lang dinalaw ng mga anak. Touching obra rin ito tungkol sa pakikitungo natin sa senior citizens. "I'm proud to have done Adela, it's a good food for the soul," ani Noel Ferrer, Bicycle Pictures executive producer. Nalaman din namin kay Noel na inimbita sa major film festivals abroad ang nabanggit na pelikula. * * * Suwerteng child actor si Renz Valerio, dahil at nine years old, nakasama na ang magagaling at pinakasikat na artista ng bansa. Naging young Richard Gutierrez at young Dingdong Dantes na siya at sa Joaquin Bordado, anak siya nina Robin Padilla at Iza Calzado na parehong mabait sa kanya. Alaga siya sa pagkain ng actor at pati paggawa ng stunts, binabantayan. Nakakaipon na rin si Renz at very proud sa worth P30,000 laptop na nabili galing sa talent fee. Napilit namin ang bagets na aminin kung sino sa mga nakasama niyang mga artista ang crush niya. Binanggit nito sina Iza at Marian Rivera with matching pagba-blush, na parehong naging ina niya sa series. Samantala, sa Joaquin Bordado, malalaman ni Russo (Eddie Garcia) na patay na lahat ang kamag-anak ni Sofia (Iza Calzado) at duda naman si Jilco (Pen Medina) kung si Sofia nga ang tunay na tagapagmana. Malalaman ni Joaquin na kaya pinatay ni Russo ang kanyang mga magulang ay dahil ang ina niya ay dating asawa ni Russo. Isang malaking sagupaan ang mangyayari at mababawi ni Joaquin ang powers ni Russo at maglalaho ang clone nito. * * * May rasong ipagmalaki ni Star Magic talent Katrina "Hopia" Legaspi ang Dayo, dahil bukod sa first digital cartoon ito ng bansa, kasama pa ang movie sa eight official entries ng 2008 Metro Manila Film Festival. First time na may makasamang animated movie sa film festival na ikatutuwa ng mga bata. Nag-audition sa Cutting Edge Productions si Hopia at sa kanya ibinigay ang role ni Ana, isang manananggal. One year in the making daw ang movie na pinagbibidahan ni Nash Aguas at kasama nila sina Johnny Delgado, Michael V. , Nova Villa at marami pang iba. Katorse na si Hopia sa birthday niya last June 13. Ang matagal nang pangarap ay makasama sa pelikula ang crush niyang si John Lloyd Cruz. * * * MAMAYANG gabi sa Dyesebel, tagumpay si Betty (Bianca King) sa panlilinlang kay Dyesebel at ikukulong niya ang sirena, pero hindi patatalo ang dalaga. Mag-aaway ang dalawa, hanggang malagay sa panganib ang buhay nila. Sa Sirenea, gusto ni Berbola (Michelle Madrigal) na umakyat din sa lupa, dahil sa selos kay Dyesebel at gustong mapasakanya si Fredo (Dingdong), pero 'di siya bibigyan ng mga paa ni Amafura (Rufa Mae Quinto). Gagawa ito ng paraan kung paano magkaroon ng powers gaya ng kay Amafura. Source: People's Tonight |