|
|
| Sharon, 'di lalayasan ang ABS-CBN!![]() Author: Jun Nardo Isang sikat na sikat na aktres daw ang nagdamdam sa isang malaking network kamakailan, dahil hindi na ni-renew ang kanyang kontrata. Si Sharon Cuneta ang hinihinala na sikat na aktres na nagdamdam sa malaking network. Well, mali ang tsismis, dahil kamakailan ay pumirma na ulit ng kontrata si Sharon sa ABS-CBN. Sharon Cuneta, loyal Kapamilya pa rin. Nag-renew ng kontrata ang Megastar sa ABS-CBN. Kasama sa contract signing na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel ang manager niyang si Sandra Chavez, ang Head of TV Production na si Linggit Tan, ang ABS-CBN Chairman at CEO Eugenio “Gabby” Lopez, ang ABS-CBN President Charo Santos-Concio at Head of Channel 2 Cory Vidanes. Kung bibilangin, 21 taon na sa industriya si Sharon, at nananatili pa rin siyang sikat, at respetadong showbiz icons, dahil na rin sa hindi matatawarang kontribusyon niya sa industriya ng showbusiness. Nakumbinsing magbigay ng datung ang TV host sa dati niyang pamilya na dumanas ng trahedya kamakailan lang. Wala ngang kamuwang-muwang ang host na dapat siyang magbigay ng pera. Inakala niya ka sing nakakaluwag-luwag ang pamilya nito. Pero hindi siya tinantanan ng mga taong malalapit sa pamilya. So give talaga ng tseke ang host! Hindi naman milyon ang binigay ng host pero malaking tulong na rin ang binigay niyang datung upang makatulong sa pighati ng mga naiwanan. Ilalantad ni Jolina Magdangal ang ilan pang sikreto niya sa buhay ngayong Sunday sa Showbiz Central. Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes naman, may bagong matitinding pahinang bubuksan sa kanilang buhay. Isisiwalat naman ng Rosalinda star ang kakaibang side ng kanyang personalidad na first time niyang gagawin. Siyanga pala, mukhang mababago pa ang lalabas na anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6. Dahil may gagawing Aswang Ang Nanay Ko si Carla bago ang festival movie ng megastar sa Regal, nasa listahan si Bea Alonzo upang lumabas na anak ni Shawie sa MP6. Last Thursday nga pala, inihatid ni Mother Lily kay Sharon ang script ng MP 6 sa bahay nito sa Mandaluyong with matching pagkain na pinabili ng anak niyang si Roselle habang nagmimiting. Source: Abante |