|
|
| Sharon, 'di magku-quit sa showbizAuthor: Mercy Lejarde LABS pa irn ni Megastar Sharon Cuneta ang showbiz. As in, showbiz runs in her blood since childhood. Passion niya ang acting, singing and hosting. At higit sa lahat, natutulungan niya ang maraming maliliiit na manggagawa sa mundo ng pelikula at telebisyon. Kaya imposible 'yung tsikang diumano ay iiwanan na nito ang showbiz kasi daw hindi na ito nag-i-enjoy. On the contrary, enjoy na enjoy nga siya tuwing taping ng kanyang Sharon sa ABS-CBN primetime. Fact is, this Sunday ay isang masaya at enjoy na enjoy na Sharon Cuneta ang mapapanood sa isang dance concert with guest celebs Jake Cuenca, Erich Gonzales, Enchong Dee, Star Magic artists Kristel Moreno, Wendy Valdez, Regine, Gem, Cass plus Vicor dancers. * * * PAGKATAPOS ng Recuerdo days ay muling nagbalik si Zoren Legaspi sa ABS-CBN via George & Cecil sitcom ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Agoncillo bilang syndicate member-turned-state witness. Mapapanood ito ngayong gabi. How was it working with the cast of George and Cecil especially Juday and Ryan? And added na sey pa ng Zoren ay parang nakikita daw niya kina Ryan at Juday ang sarili niya at ang misis niyang si Carmina na dinadaan na lang sa biro ang mga negative issues. * * * MUKHANG may bagong pasisikating komedyana si Big Brother. Kuwela kasi inside PBB house si Melissa na younger version kuno ni Mommy Dionesia Pacquiao sa Pinoy Big Brother Double Up">Pinoy Big Brother Double Up edition. Siya na kaya ang magiging female counterpart ng dating housemate na si Jason Gainza na ngayon ay certified comedian na ng Kapamilya network? Kami naman, ang bet namin dahil mga mukhang material talaga ay ang kambal na sina Toffi at Kenny, Paul Jake at ang hunk na si Tom na tipong younger version ng former Hawaian actor na si Tom Babauta na naging partner noon sa isang pelikula ni Snooky Serna. * * * INI-LAUNCH last Thursday night ang Blackjak's Tribe fourth novelty/reggae album entitled Blackjak's Tribe Sino Ba Featuring Dyaryo. The event was held at Cowboy Grill Mabini sa paanyaya ni katotong John Fontanilla. Source: People's Tonight |