Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon excited maging caregiver sa London

Author: Ricky Calderon
Column: Frontseat

Nakausap namin si Sha-ron Cuneta noong Miyerku-les ng gabi sa burol ng mother ni Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista at masa-yang ibinalita ng megastar na natapos na nila ang 20percent percent ng pelikulang Caregiver directed by Chito Roño for Star Cinema.

Inabot kami ng 2:30 a. m. sa pakikipag-usap kay Sha na ganadung-ganado sa pakiki-pagkuwentuhan.

Matagal na raw kasi si-yang walang nakakausap na mga kaibigan na writers since nag-presscon ang album ni-yang Isn't It Romantic, Vo-lume 2.

Excited si Sharon sa pag-kukuwento about her comeback movie na siyang magi-ging Mother's Day presentation ng Star Cinema this May.

Kasamang aalis ni Sharon patungong London sina John Estrada, Rica Peralejo at Ma-kisig Morales kung saan ku-kunan ang 80 percent ng mo-vie.

Dapat sana ay maglu-location shoot pa ang Caregi-ver sa Prague, kaya lang ang gusto raw ng Artists' Union doon ay mag-employ ang Star Cinema ng 40 union members sa paggawa nila ng movie.

Eh, 19 lang daw lahat ang total ng tao ng Star Cinema na tutulak patu-ngong London after the Holy Week. Kasama na rito ang cast ng pelikula at si Direk Chito.

Mahal mag-shoot sa London kaya konting tao lang ang can afford dalhin ng Star Cinema doon pa-ra sa shooting ng pelikula. Masyadong lalaki ang production cost if they would bring more people than necessary.

Excited si Sharon sa kanyang muling pagharap sa movie camera.

"I didn't realize how long I missed doing movies since I started working again," pahayag ng mega-star sa pag-uusap namin.

Thrilled din si Sharon working with Direk Chito. Ayon daw sa feedback na nakarating sa kanya, from Star Cinema staff na nakapanood ng rushes, hala-tang inspired si Sharon sa trabaho. Marami raw siyang magagandang eksena na aan-tig damdamin.

* * *

Sa presscon ng bagong mo-vie niya na Supah Papalicious, tinanong si Vhong Na-varro kung bakit hindi niya nililigawan ang kanyang leading lady na si Valerie Concepcion.

"Hindi pa naman siya ready eh," sabi ng komed-yante whose last movie Agent X-44 was also a blockbus-ter. "Pangit naman kung pipili-tin natin ang isang magandang dilag kung hindi pa siya ready. "

Wala naman daw problema sa kanya kahit na may anak si Valerie.

"Kung nagkakaibigan kayo at nagkakagustuhan ka-yo, why not?" sabi pa ni Vhong.

Pero, hindi pa rin pala ta-pos ang annulment ng kasal ni Vhong kaya ayaw pa rin ng dancer-turned-comedian na ma-involved romantically.

Nagpalit ng lawyer si Vhong dahil nababagalan si-ya sa sa usad ng kanyang annulment. It's been four years since he filed it. Hindi masabi ni Vhong na supah dad siya sa kanyang dalawang anak na sina Frederick at Isiah dahil hindi naman daw niya ka-sama ang mga ito everyday.

Weekend lang niya nakaka-bonding ang mga anak.

Source: Taliba