|
|
| Sharon, gusto nang magka-apo kay KCAuthor: Nitz Miralles NAGLABASAN pa lang ang balitang pag-uusap at pagkakabati nina Claudine Barretto at Angel Locsin, nang makatanggap kami ng balitang naimbyerna na naman si Claudine sa balitang nabasa tungkol sa gusot nila ni Angel. Sobrang naapektuhan daw si Claudine sa nabasa, eh, nagti-taping pa naman ito ng Iisa Pa Lamang, kaya nagpaalam sa kanyang director kung puwede na siyang umuwi. Naintindihan daw ito ng director at staff ng drama series, kaya pinak-ap ang taping. Hindi sinabi kung anong item ang nabasa ni Claudine, pero may kagrabehan siguro't nawala siya sa mood. In fairness, six sequences na ang nakukunan sa kanya, bago umalis. * * * NANGAKO si Sharon Cuneta ng isang maganda at pagbabalik tanaw sa 30 years niya as a singer at 27 years as an actress ang mangyayari sa kanyang Megathirty concert sa Araneta Coliseum sa August 8. All her original songs and remake ang kasama sa kanyang repertoire. Guests sa concert sina Gary Valenciano at Martin Nievera na "part of her life and career" ang kanyang description. Guest din sa concert si KC Concepcion na bukod sa solo number ay may production number silang mag-ina na ayaw ikuwento ni Sharon. Very proud si Sharon kay KC, very creative, innovative and artistic daw ito na nakuha sa side nina Gabby Concepcion, pero ang "musical side" and everything else, sa side raw nila. Wish niya sa anak, magkaroon ng life partner na mahal na mahal siya. "I want her to end up with the love of her life," patungkol ni Sharon sa anak. " Bago 'yun, may sinabi si Sharon na ikinatawa ng press. Sabi nito: "Kahit hindi na mag-asawa si KC, basta bigyan niya ako ng apo. I miss having babies. "She told me once, she's not sure she's the marrying kind, pero gusto ko siyang makitang ikinakasal. Bahala na nga siya, matino at mabait na bata ang anak ko, I don't think she'll get pregnant na hindi kasal. " Produced ng Artist House ang Megathirty, directed by Rowell Santiago, musical direction is by Louie Ocampo, TV director is Johnny Manahan and choreography is by Douglas Nierras. Tickets are available at all Ticketnet outlets (911-5555) and Artist House (817-4660). * * * ANG pagkain sa taping ng Ako Si Kim Sam Soon ang itinurong rason ni John Lapus sa muli niyang pagtaba. Kala-lipo lang niya last February, pero mula nang mag-taping, 5 lbs,, na ang nadagdag sa timbang niya. Bukod sa pagkain sa set, nagdadala pa si Regine Velasquez ng food, gaya ng Japanese food at minsan, nagpa-steak ito sa co-stars, staff and crew. Minsan naman, nagdala ng lechon si Nadine Samonte at nang nasa taping kami sa Canyon Woods, kain din kami nang kain. Ipinagyabang pa ni Sweet na may pa-hotel ang GMA-7 sa kanila para hindi na bumalik sa Maynila ang pagod at may natitira pang mga eksena. "Gusto ko ang concept na may concerned ang network sa well-being ng mga artista. Na-appreciate ko na gusto nilang komportable kami sa trabaho. Bongga 'di ba? "Masarap na ang food, may pa-hotel pa. Kaya nga, umaapela na ako na bigyan uli ako ng teleserye," sabi nito. Nabanggit na ni Robin Padilla kay Sweet na kasama siya sa Totoy Bato, pero December pa ang taping noon. Gusto niya kasunod agad ng ASKSS, dahil Showbiz Central lang ang regular show niya at nag-iipon siya nang pambili ng bahay. Paging Ch. 7! * * * ISSUE on sexuality at kabadingan ang episode na pagdidiskusyunan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Dear Friend this Sunday. Ano nga ba ang dapat gawin ng isang bading na hindi alam ng kanyang pamilya ang tunay na kasarian? Tampok si Mark Herras sa role ni Eric na isang bading, pero may girlfriend na mahal siya at tanggap ng kanyang pamilya. Kasama sa cast sina LJ Reyes bilang Valerie at nobya ni Eric, Paolo Cotis as Jeremy na makaka-relasyon ni Eric, Tyrone Perez as Vince, Laurence Gutierrez as Alex, at Mike Tan as Ricky. Sa direksyon ito ni Mac Alejandre. Napapanood ang Dear Friend sa GMA-7, after Pinoy Idol. Sa mga gustong sumulat kina Jolina at Marvin, ipadala ang inyong mga sulat sa dearfriend@gmanetwork. com. o sa Dear Friend c/0 GMA Network, Inc. Edsa cor. Timog Avenue, Diliman, Quezon City. * * * AFTER 12 weeks, pipiliin na bukas, sa Grand Finale ng The Debutante, ang ultimate IT girl kina Shinina, Kate, Bea, Michelle at Sam. Isa na lang ang task na kanilang gagawin at ito'y ang interbyuhin ang host ng show na si Marc Nelson at si Rovilson Fernandez na host ng Ang Pinaka ng Q-11 pa rin. Ang mga huradong kikilatis sa mananalo ay sina Fortune Ledesma, Abby Arenas-de Leon at Ms. Ping Federis. Ang mananalo ay mag-uuwi ng P50,000 cash prize, MEG magazine cover at feature story, P100,000 worth of jewelries from Just Jewels, brand-new TV set with home theater system from Saver's Appliance Depot, vacation package for 5 from Le Soleil de Boracay, one year skincare maintenance from BioEssence, scholarship from Entrepreneur School of Asia, personality development course from Personi-fi, at hosting opportunity sa Q-11. Source: People's Tonight |