Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sharon kailangang bumawi sa concert

KAILANGANG mapag-handaan nila nang husto ang binabalak na concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum bilang bahagi ng celebration ng kanyang ikatlong dekada sa showbusiness. Dobleng effort ang ka-ilangan dahil iyan ang magsasalba sa kanilang napakat...

 

Sharon kailangang bumawi sa concert

Column: Dream
Author: Ed De Leon

KAILANGANG mapag-handaan nila nang husto ang binabalak na concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum bilang bahagi ng celebration ng kanyang ikatlong dekada sa showbusiness.

Dobleng effort ang ka-ilangan dahil iyan ang magsasalba sa kanilang napakataas na expectation sa naturang selebrasyon.

Hindi naman natin ma-ikakaila na hindi ganoon kaganda ang resulta ng kanyang huling pelikula at hindi rin ganoon kaganda ang sinasabi ng mga kriti-ko tungkol sa Caregiver ka-hit pa nakakuha ito ng A Rating mula sa Cinema Evaluation Board.

Kaya nga maraming mga kritiko ang nagsasabi na ang concert sa Araneta at ang binabalak nilang special na ilalabas sa tele-bisyon ang maaaring ma-kabawi kung saan man nagkulang ang Caregiver.

Mukhang mali nga ka-si ang diskarteng inilagay ang lahat ng mga itlog sa iisang basket lamang.

Star Cinema ang gumawa ng pelikula at ngayon nga ang ABS-CBN naman ang gagawa ng lahat ng iba pang projects ni Mega.

Kung ibinigay ba naman nila sa iba ang peli-kula, halimbawa ay sa Vi-va Films kung saan talagang nagsimula at sumikat si Sharon, baka mas maganda pa.

Noon namang mapunta si Sharon sa Star Cinema at sa ABS-CBN, megastar na siya. Made na si Sharon noong panahong 'yun.

Sayang nga, hindi mas-yadong involved sa celeb-ration ang mga taong talagang nakasama ni Sharon noong una pa man.

Siguro, maganda kung makakasama niya si Ku-ya Germs na siyang nagpasimula ng kanyang TV exposure.

Siguro maganda rin na-man kung nakagawa siya ng isang pelikula na ang direktor ay si Maning Borlaza.

Maraming magaganda sanang proyekto, pero hindi na nagawa, eh. Da-pat na lang bumawi sila sa concert niya dahil kung hindi magagawa iyan nang mahusay, sayang naman.

* * *

Lagi naming napapano-od si Billy Crawford sa Pinoy Dream Academy at sa kanyang Uberture tuwing hapon. But sad to say hin-di namin type ang style niya sa hosting.

Masyado siyang hyper, to the point na lagi siyang sumisigaw habang nagsasalita.

And take note, nabu-bulol siya, kasi hindi siya sanay magsalita ng Tagalog.

Sa tagal niya kasi sa abroad ay mukhang hindi na niya kabisado ang ating Pambansang Wika.

Dapat ay kumuha si-ya ng pointers kina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Mariel Rodriguez na kahit hyper din ay naiintindihan naman ang kanyang mga sinasabi.

Kabaligtaran naman ang kaso ng isa pang PDA host na si Nikki Gil.

Masyado namang flat ang paghu-host nito to the point na aantukin ka na sa pakikinig sa kanya.

She's so boring dahil napaka-monotonous niya. Hindi exciting ang PDA kung si Nikki na ang nag-hu-host.

Siguro pareho na lang mag-stick sina Billy at Nik-ki sa kanilang singing career. Nagpipilit kasi, eh!

* * *

TALAGA raw gustung-gusto na ng isang male star na umalis sa kanyang home network at lumipat na sa iba kung may darating nga lang na offer.

Sumasama ang loob ng male star dahil ni hindi nga siya nabibigyan ng break sa kanilang sariling network. Mabuti pa nga naman iyong mga rejected ng kani-lang kalabang istasyon na lumipat lang sa kanila at may projects.

Kahit saan naman kasi magpunta, umiiral ang pa-lakasan, eh. Mas malakas siguro ang nakapitan ng iba kaysa sa pinag-uusapan nating male star. .

Source: Taliba