Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon kay Ai Ai nag-confide sa naranasang cancer scare

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Nakakagulat ang naging rebelasyon ni Sharon Cuneta sa exclusive interviewe ni Boy Abunda sa SNN kamakailan.

Ayon kasi sa Megastar, natuklasan niyang may bukol siya sa dibdib kaya nagkaroon siya ng cancer scare dahil nasa lahi nila ang pagkakaroon ng cancer.

Naungkat ang pagkakaroon ni Shawie ng bukol nang tanungin siya ni Kuya Boy tungkol sa hirap na dinanas ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy.

"Nang dumating 'yang bagyong Ondoy, nakita ko sa TV 'yung mga nahihirapan. Bakit kailangan ganito? Hindi bale ako, I've had a cancer scare. I have to get out of the country to have tests done," ani Shawie.

Maging kami ay nagulat sa pag-amin ni Sharon na may bukol siya sa dibdib habang pinapanood namin ang SNN.

Na-discover daw ni Sha-wie ang bukol sa dibdib nang ginagawa nila ni Ai Ai delas Alas pelikulang Best Friend Forever.

"I found lumps and it runs in the family. But I have all the x-rays and everything. I only told Ai Ai and Direk Wenn (Deramas). Sila lang ang nakakaalam. "

And the good news is, benign at hindi ito malignant, kaya hindi cancerous ang lumps sa kanyang breast. Okey na ngayon at ligtas na si Mega sa cancer.

* * *

Maganda ang hangarin ni Tourism Secretary Ace Durano na gawing Hollywood of Asia ang Pilipinas at maging site ng foreign movies ang ating bansa para dagsain ng turista at makapag-akyat ng dolyares sa ekonomiya ng bansa.

Pero hindi rin maiaalis sa isipan ng sambayanang Pinoy, lalo na sa mga botante na gusto lang magpa-pogi ni Sec. Ace dahil kakandidato itong senador sa 2010 elections .

Tanong tuloy ng mga Pinoy, bakit hindi raw ginawa pa noon ni Sec. Ace na gawing Hollywood of Asia ang 'Pinas? Ngayon na kakandidato siya kaya lang pursigido o nagpapa-pogi point lang ang masipag na Tourism secretary?

Magpapa-presscon si Sec. Durano at iparara-ting namin sa kanya ang natatanggap naming komento tuloy hihingin na rin ang kanyang sagot ukol dito.

Nagpapapogi lang nga ba si Sec. Ace o bukal sa loob talaga sa loob na mapaganda ang ating bansa?

* * *

Walang kalatuy-latoy ang pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa pagpasok ng bagong housemates sa PBB Double Up Edition kum-para sa nakaraang mga housemate sa Bahay ni Kuya.

Dapat siguro ay mag-isip nang mabuti ni Kuya at baka 'yun na ang maging huling season para sa pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa 'Pinas.

Ilan lamang ito sa narinig naming opinyon at reaksi-yon sa mga nag-abang sa muling pag-ere ng ng reality show sa Dos.

Sana ay nagkamali ang mga nakausap namin dahil, in fairness, marami na ring fans ang naturang show kung saan galing ang mga sikat na artista tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Kim Chiu, Sam Milby at iba pa.

Source: Taliba