Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon, magandang magdala ng katabaan

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

Ayon sa kolum ni Donya Lolit Solis sa isang tabloid ay hindi raw nagkabalikan sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nu'ng magkita ang dalawa sa U. S. A.

Well, people can always deny, anyway.

* * *

Du'n sa grand launch ng Paradise of Stars ni Kuya Germs sa Mowelfund ground ay nasagot na raw niya ang tanong kung bakit ngayon lang niya isinama sa walk of fame si Francis M kung kelan patay na ang singer-rapper-actor.

"Hindi naman natin alam na mangyayari ito, noh. Wala namang makakaisip na mangyayari 'yon kay Francis, 'yung biglaan niyang pagkamatay.

"Pero noon pa naman ay pinag-usapan na namin ito. Hindi ko naman akalain na mamamatay siya," depensa ni Kuya Germs habang inililibot niya ang mga showbiz press sa mga nakapalibot na old photos ng mga artista natin noon at ngayon.

Maganda ang ideyang ito ni Kuya Germs na pupuwedeng makatulong sa ating Department of Tourism at maging sa mga estudyante pati na rin sa mga balikbayan, in fairness.

* * *

Sa taping ng Sharon para sa episode na "Da Next Singers & Comedians" na ipapalabas this coming Sunday ay na-ambush interview ni yours truly si Megastar. Tinanong namin kung hindi ba siya nasaktan du'n sa sinabi ni Tita Fanny Serrano na: "Aminin na natin, mataba si Sharon ngayon. .. "

At ang very sport at nakangiting sagot ni Megastar ay "Naku, hindi, totoo naman, eh. Ako nga ang nagsasabi na mataba talaga ako. Ang importante, I am doing something about it. "

Oo nga naman. Ang hirap mag-diet, ha! Saka ang importante pa, magandang magdala ng katabaan si Sharon in fairness at hindi apektado ng taba ang fez niya that always refreshes in fairness pa rin to her.

And take note, this Sunday sa Sharon ay pa-grand entrance si Pokwang na tipong lalakad sa red carpet na feeling a-attend sa Oscar Awards night with matching suot na long gown saka bibirit ng kanyang sariling awiting hinango sa album niya sa Star Records.

Hindi rin nagpahuli si Kitkat na kumanta ng Alone dahil iniwan na siya ng boyfriend niya at ninakawan pa. But ang revelation talaga ay ang komedyanang si Kakai Bautista na nakipag-duet ng kantang Endless Love kay Richard Poon.

Bagay pala ang tandem nina Pooh at Kakai, sa true lang. Para silang si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na nakakaaliw pagmasdan.

Yezzz, mapapansin n'yo 'yan only at Sharon this

Sunday sa ABS-CBN primetime, pramis!

Source: People's Tonight