|
|
| Sharon, magre-retire sa showbiz pagkatapos nilang magsama sa pelikula ni VilmaAuthor: Leo M. Bukas GANADONG humarap sa movie press si Sharon kahapon para sa presscon ng kanyang Megathirty concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on Aug. 8, 2008 in celebration of her 30th year in showbiz. As usual, walang tanong na hindi sinagot si Sharon. Inamin niya na there are times na gusto na talaga niyang mag-retire sa showbiz, pero may mga dumarating na magagandang project kaya hindi matuluy-tuloy ang kanyang plano. "Nung iniisip ko na mag-slow down dahil sa weight ko, dumating naman ang Caregiver. Paano ko naman 'yon tatanggihan, di ba? It's a rare opportunity. And I'm thankful kasi it became a huge success," kuwento ni Sharon. Makulay ang lumipas na 30 taon sa showbiz ng megastar. May mga ups and downs dito, pero ayaw na niyang alalahanin pa ang iba rito. Ang tungkol sa kanila ni Gabby at ang nangyari sa kanilang relasyon ang itinuturing niyang "pinaka-down" sa kanyang 30 taon sa showbiz. The rest, puro magaganda na raw. "Sobrang dami kong blessings. Ang bait sa akin ni Lord. Napakasamang tao ko na kung magrereklamo pa ako," dagdag pa niya. Bago mag-retire sa showbiz, gusto ni Sharon na makatrabaho muna si Dolphy at ang anak niyang si KC. Gusto rin niya ulit gumawa ng movie with Robin Padilla at makapagtrabaho sa GMA Films. Excited ding ini-announce ni Sharon na finally, tuloy na ang movie nila ni Vilma Santos next year. "Kapag nakatrabaho ko na silang lahat, I'm really planning to retire," pabiro ngunit makahulugan niyang pahayag. Anyway, magiging special guest ni Sharon sa Megathirty sina Gary Valenciano, Martin Nievera at KC. The show will be directed for TV by Johnny Manahan, musical direction is by Louie Ocampo at si Rowell Santiago naman ang stage director. Available na ang tickets sa Ticketnet outlets (911-5555) at sa Artist House (817-4660 at 815-1953). *** PAGKATAPOS ng matagumpay at pinag-uusapang episode na tinampukan ni Gretchen Barretto last Saturday, si Charice Pempengco naman ang magbibida sa susunod na offering ng MMK sa bago nitong timeslot at araw tuwing Sabado ng gabi. Si Charice mismo ang gaganap sa sarili niya at gaganap bilang kanyang ina ang multi-awarded actress at singer na si Zsazsa Padilla sa direksyon naman ng multi-awarded ding si Jeffrey Jeturian. Abangan ang napakagandang episode na ito ngayong Sabado! Source: People's Tonight |