|
|
| Sharon na-hurt sa patutsada ni KorinaAuthor: Mercy Lejarde RUMOR: Turn-off si Michael V sa ipinahayag ng beauty queen now Celebrity Duets 3 contestant na si Janina San Miguel na crush na crush siya nito at sabi pa ng Michael V ay never niyang matitipuhan ang Janina. FACT: "Ah, hindi. Kung wala akong asawa, type ko 'yan, bah, bakit hindi? ( Oo nga, unga, laman tiyan din, ha. .ha. .ha! ) Kaya lang, lahat naman ng puwede mong kunin sa ibang babae ay pu-wede mo naman kunin sa asawa, eh. " katuwiran ng Yaya ni Angelina The Spoiled Brat na ang movie version ay mapapanood na sa Sept. 23. * * * RUMOR: Sobrang na-insecure si Judy Ann Santos kay Maricar Reyes cuz nalaman nitong naging Ex-GF pala ng kanyang dyowang si Ryan Agoncillo ang naging ex-GF din ni Hayden Kho. FACT: True. But only sa episode ngayong linggo ng George & Cecil na ang tema ay muling nagkita ang mag-'ex' na Ryan bilang Cecil as in Cecilio at Maricar bilang si Crissy na talagang ikina-insecure to the max ni Juday bilang si George as in Georgina. * * * RUMOR: Na-hurt si Sharon Cuneta sa pasaring ni Korina Sanchez na pakalat-kalat lang daw sa U. P. noon si Sen. Kiko Pangilinan kung kaya nawalan ng gana si Megastar na makipagkatuwaan sa guest celebs niya sa Sharon ngayong Sunday ng gabi. FACT: Isang masayang Megastar ang mapapanood sa Sharon this Sunday night sa Katuwaan Musical episode with guest celebs Cardio Boys, Hukbalahap, YM, Kyle Carino of SCQ Kids plus X10 dancers with matching Chocoleit as co-host. No trace of bitterness, sadness or whatever ang humarap sa camera para sa isa na namang masayang gabi only at Sharon sa primetime bida ng Dos. We heard na ang labis na naapektuhan ay ang mga fans ni Sha-ron. * * * RUMOR: Pababa ng pababa ang rating ng GMA7's rom-com Adik Sa 'Yo nina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Jennica Garcia, Pauleen Lu-na, atbp. kung kaya't hanggang Sept. 11 na lang ang ai-ring ng nasabing rom-com serye. FACT: On the contrary, pataas nga nang pataas ang rating ng Adik Sa 'Yo at umabot nga sa 32. 4 percent ang rating ayon sa latest survey. So sad nga lang cuz finale episode na ng ASY sa September 11 kahit marami ang naaadik na panoorin ang mga ka-kenkoyan ng buong ASY cast. Ang reason? Para mag-give way sa bagong primetime show ng Kapuso Network. * * * RUMOR: Pinatunayan nina Jomari Yllana at Aiko Melendez ang kasabihang, "once lovers cannot be friends. " FACT: Excuse me. Sweet as ever at todo kapit pa si Aiko sa bisig ng kanyang EX-husband na si Jomari nang sabay silang dumating sa 7th birthday ni Angelina bilang parents ng spoiled brat Angel. Pinatunayan nila ang kasabihang, they're better off as friends, tsuk! Source: Taliba |