Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon namudmod ng 'pakimkim'

Author: Mercy Lejarde

Jusko, jusmo, Ian F. and Leo B. , nu'ng press preview ng Magkaibigan, MMFF entry ng Maverick Films, ang akala namin, ang humihikbi ng malakas sa dying scene ni Christopher de Leon ay si Dawn Zulueta, na kahilera namin sa upuan at isa sa cast ng pelikula.

Pero, maling akala pala mga, Ateng!

Si katotong Gas Gayondato pala ang humikbi to the max with matching singa ng sipon dahil naalala raw niya nu'ng namatay ang dakilang Ina niya at nagpaalam na kung puwede'y payagan na siyang magpahinga.

As in, naka-relate ang Loloh Gas n'yo sa eksenang 'yon ng Magkaibigan.

In fairness, kami man, napaiyak din sa hagulgol scene ni Dawn nang yumakap kay Maricel Laxa at nang umiyak si Sen. Jinggoy Estrada nu'ng ipikit na ni Boyet ang kanyang mga mata.

Sariwa pa kasi sa aming alaala ang pagkamatay ni Rudy "Daboy" Fernandez, isa sa mga artistang naging kaibigan namin.

In fairness uli, consistent ang acting ni Sen. Jinggoy, ha, kaya malamang, mag-tie sila ni Boyet bilang Best Actor, tsuk!

* * *

Sa lahat ng Shake, Rattle & Roll movie tuwing MMFF, itong SR&RX ang pinakamaganda.

Naaliw kami sa Nieves episode ni Marian Rivera. May crying at action scenes na siya, may comedy scene pa, kaya tama lang ang title namin sa kanya na "Versatile Star" ng kanyang henerasyon.

Take note, si Dingdong Dantes ang escort niya sa premiere night, kaya puwedeng isiping sila na nga at naghihintay lang ng right timing para umamin, tsuk!

* * *

ANG "ex" naman ni Dingdong na si Karylle, nu'ng mag-taping sa Kapamilya, Deal or No Deal, nakita namin na muling nag-smile tuwing sasabihing "higher, Banker, please!"

Ewan kung nag-melt ang heart ni Banker sa "certain smile" ni Karylle na dahilan ng pag-crylulu ni Marian sa preskon ng Desperadas 2.

* * *

Hindi nakakaligtaan ni Sharon Cuneta na dalawin ang Golden Acres Home for the Aged tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Kung napanood n'yo ang Christmas episode ng Sharon nu'ng Linggo, touched na touched ang mga lolo at lola sa bigay ni Sharon na queso de bola at ham courtesy of Purefoods.

Siyempre, may konti ring "pakimkim" mula sa bulsa ng Megastar.

Tradisyon na ito ng Sharon tuwing Christmas.

Source: People's Tonight