Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon, napangiti sa VTR ni Gabby

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

How generous naman ang mag-amang Edu at Luis Manzano sa kanilang "past" "present" and"future" friends from showbiz press.

Nauna nang nagbigay ng tumataginting na P60K si Luis sa mga PMPC Carolers bago pa man sumapit ang Pasko.

Yesterday, ang kanyang Erpat na si OMB Chairman ang nagpa-thanksgiving party with matching three rounds pa-raffle.

Yezzz, uso ngayon sa showbiz ang three rounds na raffle. Inuso itech nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez in fairness.

Ayon sa tantiya ni Donya Lolit Solis ay umabot sa halagang 500K ang nagastos ni Edu sa party.

Wow, can you beat your son Luis and ex-husband Doods, Gob. Vilma Santos a. k. a. Ate Vi?

Nagbigay ng konting speech si Chairman Edu. Sabi niya, kaya malaki ang kinita ang MMFF 2008 festival ay dahil walang nangahas na mag-pirate ng mga pelikulang kasali sa festival.

Mabuhay si OMB Chairman Edu Manzano sa pagsugpo sa mga pirata!

* * *

Madako naman tayo sa katatapos lang na Songs In My Heart na birthday concert ni Sharon Cuneta. Siyempre, present ang biyuti ni yours truly sa Araneta Coliseum last Friday cuz Sharon yata yon, noh!

Kung ang pagbabasehan ay ang tilian, hiyawan at palakpakan ng mga utaw sa loob ng coliseum nu'ng ipakita sa VTR si Gabby Concepcion na nagbigay ng mensahe sa dati niyang esposa, aba, masasabi mo talagang may 100% "kilig factor" pa ang dalawa. No. Hindi yon set up kundi surprise 'yon ng Sharon staff for the birthday celebrant lalo na sa kanilang fans. In fairness naman kay Sharon, nakangiti niyang tinitignan ang VTR ni Gabby.

'Yon nga lang, hindi si Gabby ang makakapartner ni Megastar sa muli nitong paggawa ng pelikula sa taong ito kundi si Richard Gomez.

* * *

Sayang at nakaalis na pala papuntang Hollywood si Judy Ann Santos para mag-lobby sa Oscars ng pelikula niyang Ploning.

Hindi na niya nahintay pa ang P1 milyon na napanalunan nila ng dyowa niyang si Ryan Agoncillo sa Kapamilya Deal Or No Deal kagabi sa primetime bida ng Dos.

And take note, may P4 milyon briefcase na ang KDOND ngayong 2009. Kung mapanalunan mo 'yon Ian F. , magsusulat ka pa ba?

* * *

Sa Miyerkules ay ihaharap na sa showbiz press ang mga participantes na natsugi na sa ABS-CBN Pinoy Fear Factor.

Josko, Josmo, harinawa ay hindi makasama dun si participante RJ from Tondo dahil talagang naawa kami dito habang pikitmatang nilalapang ang dalawang pirasong daga alang-alang sa dalawa nitong anak na sabi ay mahirap pa daw sa daga. Aba, may ryhme, ha!

Hindi raw naman tsutsugihin ang You & Me Against The World game show sa TV5 ni Gretchen Barretto. Intended lang naman daw talaga ito for one season lang.

Sa Gagambino ay nawalan na ng power si Abresia (Jean Garcia) cuz binigay na niya ang medalyon kay Polo Ravales huwag lang nitong patayin si Raymart Santiago na tatay pala ng kanyang dyunak na si Nadine Samonte.

Yon lang and tenk you.

Source: People's Tonight