|
|
| Sharon 'napasagot' din ni Mother LilyAuthor: Lito Mañago ISA sa mga rason kung bakit nagdesiyon si Sharon Cuneta na tanggapin ang 'lam-bing' ni Mother Lily Monteverde to have a special guest appearance sa soon to-be-released movie na Oh My Girl, first team-up nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid, ay dahil gustong ibalik ng Megastar ang anumang tulong na naipagkaloob ng Regal Matriach sa kanyang pamilya lalo na sa mister niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan. Very vocal naman ang Megastar sa mga naitulong ni Mother Lily sa kandidatura ni Kiko bilang senador. Matatandaang for the past two elections, mismong ang Regal matriach ang nagpatawag ng presscon para sa mister ni Ate Shawie. Hindi naman ito ikinaila ng aktres, bagkus tinatanaw niyang isang malaking utang na loob. At ngayong puwedeng-puwede na siyang gumawa ng pelikula sa ilalim ng Regal Entertainment, hindi nagdalawang-isip si Ate Shawie na tanggapin ang offer. Besides her guesting sa Oh My Girl, nakatakda ring simulan ni Sharon ang Mano Po 6: My Mother, na filmfest entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival this December. "Kahit hindi kami humihingi ng tulong sa kandidatura ng asawa ko, mother is always there to help," say ni Mega. Plus factor din ang pagi-ging magkaibigan in real life nina Sharon, Ogie at Juday. "I can't say no to my friends -- sina Juday at Ogie," nakangiting paliwanag ng magaling na aktres sa press na dumayo pa sa Taal, Batangas para sa shooting niya. Sa shooting sa Taal, aligagang-aligaga si Mother Lily sa pag-aasikaso kay Shawie. Personal ding inasikaso ng producer ang wardrobe ni Sharon sa shooting. Shawie plays a pekeng manghuhula. "I was so touched by her gestures. Hindi ko alam na nag-invite pa siya ng press. May presscon pa raw sa bahay," tuwang-tuwang kuwento ng grandslam queen . Ang Oh My Girl ay senyales nang tuluyang pagpasok ni Sharon sa kuwadra ng Regal Entertainment. Na mahigit 25 years ding 'niligawan' ni Mother para sa magawa ng project sa Regal. * * * LILIPAD na si Darna, sa katauhan ni Marian Rivera. By August 10, magsisi-mula na nga ang pakikipagbaka ni Narda at Darna laban sa mga masasamang elemento. Super-sexy ni Marian sa kanyang Darna costume. Sa katatapos na trade party ng GMA Network sa White Space sa Makati City, umani ng malakas na palakpakan si Yan (Marian's nickname) nang lumabas sa entablado sa kanyang Darna outfit. Ito rin kasi ang unang pagkakataong nasilayan si Marian na naka-costume bilang Pinoy superhero. Handang-handa na siyang lumipad at lumunok ng bato. Tulad ni Marian, excited din daw si Dingdong Dantes, her rumored boyfriend, na makita ang favorite leading lady in her Darna costume. Hindi man daw sila ang magkapartner sa serye, nag-kakatulungan pa rin naman daw silang dalawa. * * * THIS Friday, July 17, pormal nang magbubukas ang 5th edition ng Cinemalaya Independent Film Festival sa CCP Complex. May 10 indie films na maglalaban-laban para sa Balanghay trophy. Ang pelikulang Manila ni Direk Adolf Alix, starring Piolo Pascual (na siya ring producer), ang magbubukas nito. May commercially showing din ito sa July 22 at ire-release ng Star Cinema. Ilan pa sa pelikula ni Direk Adolf sa Cinemalaya ay ang Karera (starring Jay Manalo) at ang controversial na Aurora ni Rosana Roces. Magtatapos naman ang CIFF sa July 26 sa pama-magitan ng isang awards night. * * * For comment, email us at whalesharkph@gmail. com Source: Taliba |