Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon role, pressure kay Maxene

Author: Tempo
Column: Timing

MAGKASAMANG dumating sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa wake ni Douglas Quijano noong pamisa ng PAMI (Professional Artists and Managers, Inc.) para sa namayapang talent manager. "Sila na talaga, ano?" sey ng isang PAMI member. "Deny pa kasi ng deny," sabi naman ng isang reporter. We remember, last year sa wake naman ni Rudy Fernandez sa Heritage Memorial Park din ay si Karylle ang kasama ni Dingdong. Ang bilis talaga ng panahon, sing-bilis ng pagpapalit ng tibok ng puso ni Dingdong.


Coincidence pang parehong June namatay sina Rudy (June 7) at Douglas (June 13). Knock on wood, huwag naman sanang may showbiz personality na mamamatay sa June next year na sa HMP din ang burol at iba namang girl ang kasama ni Dingdong, huh!

Saglit namin nakatsikahan si Marian na may pasa sa braso. Aniya, nakuha niya 'yon sa training niya na may harness para sa mga eksena sa 'Darna.'

Na-cancel naman ang shooting ni Gov. Vilma Santos, kaya dumiretso sa wake ni Douglas. Sabay daw nagkasakit sina John Lloyd Cruz and her son, Luis Manzano, mga co-stars niya sa Star Cinema movie.

Mukha namang nagkaayos na sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto noong nagkita sila sa wake ni Douglas. Si Nadia ang unang lumapit kay Gretchen. Wish ni Nadia na simula na 'yon para ma-renew ang friendship nila ni Gretchen. Gusto niyang mag-usap na silang dalawa lang at walang TV camera.

Source: Tempo