|
|
| Sharon, tinalbugan ni KCAuthor: Mercy Lejarde "TO the left... to the left. .. " Talbog ng 2K8 birthday concert ni Megastar Sharon Cuneta ang concert ni Beyonce dito sa 'Pinas kamakailan lang. Yezzz, in fairness! Simple lang ang suot ni Mega. Black slacks at black blouse. Blooming na blooming ang biyuti niya dahil medyo korteng Coke na naman ang kanyang wankatitat. Yezzz, ang laki na ng ipinayat ni Sharon, pero bumagay naman sa kanya at nagmukha siyang thirtysomething lang, in fairness uli. Super apaw ang utaw sa Big Dome nu'ng Thursday night. Maliit ang lugar para sa isang Megastar tulad ni Sharon. 'Yung iba nga, nagkasya na lang makinig sa labas ng coliseum. Pero kung natalbugan ni Sharon ang concert ni Beyonce, hindi naman siguro nito ikagagalit kung sasabihin naming natalbugan siya ng mismong anak na si KC Concepcion, ha! Yezzz, napaka-daring ng KC nu'ng magsayaw siya sa tono ng awitin ng mom niyang Kahapon Lamang. Naka-tights siya at nakasuot ng leotards. Tapos, may props na malaking ring, naka-harness at tumuntong du'n habang nagsasayaw saka lumipad nang nakabitin. Magaling ang pagkaka-choreograph ng number with matching background dancers. Ninerbiyos nang husto si Sharon sa ginawa ng anak. Baka raw kasi malagot ang harness. Siyempre, nanaig ang pusong ina niya, 'noh! Kami man, kinabahan, pero kering-keri ni KC, huh. Bravo, KC! Bravo! Cest manifique! El fantastico! Du'n sa duet nina Sharon at Martin Nievera, nu'ng kinakanta ng huli ang awiting. .. "Doon ka, dito ako. .. ," feeling namin tuloy ay si Pops Fernandez ang kanyang kinakantahan. Ewan lang kung nagkausap ang mag-ex na itech sa backstage. Kung hindi, para silang. .. so near yet so far, tsuk! Aliw kami sa comedy skit nina Pokwang at Chokoleit. Da best comedy tandem ever ang dalawa, in fairness. Well, mapapanood n'yo ang kabuuan ng 2K8 birthday concert ni Mega this Sunday sa Sharon ng ABS-CBN. Kaya, sa lahat ng executives, headed by Cathy Choa-Perez and Crissy Baluyot, Direk Johnny Manahan at ang production staff ng Sharon, good job, guys! More power! And to you, Shawie, nag-iisa ka lang talagang Megastar. May you have more birthday concerts to come. God bless you... mwah! Yo! To the left. .. to the left. .. to the right... to the right, tsuk! * * * DON'T forget to watch the pilot episode this Monday night ng bagong game show ng Kapamilya Network - ang Wheel of Fortune, hosted by Kris Aquino. Sina Ruffa Gutierrez, Martin Nievera at Luis Manzano ang first guest celebrity players. 'Yon lang and thank you. Source: People's Tonight |