|
|
| Sharon, walang sama ng loob kay JudayAuthor: Wendell Alvarez HINDI totoong may sama ng loob si Sharon Cuneta kay Judy Ann Santos. May lumabas kasing balita na sumama ang loob ng Megastar sa Young Superstar, dahil inisnab ng huli ang premiere night ng Caregiver sa London, kahit tamang-tamang nagbabakasyon ito ru'n kasama ang fiance na si Ryan Agoncillo. Ang totoo naman pala, nu'ng malaman raw nina Juday at Ryan na naroroon ang kanilang "Ate Shawie," nagbigay pugay agad sila kay Mega. Tinanong pa nga raw sila nito tungkol sa engagement isyu at inamin naman ng dalawa na engaged na nga sila bago pa tumulak papuntang Europa. Doon pa lang, gusto na sana silang interbyuhin ni Sharon para sa Sunday show sa ABS-CBN, pero hindi natuloy dahil late na-approve ang visa ng staff ng programang Sharon. Nangako naman sina Juday at Ryan na pagdating sa Pilipinas, hindi sila magpapa-interview sa iba maliban kay Sharon. Kaya, nu'ng dumating ang dalawa last Saturday, June 28, agad nilang kinontak si Sharon. Ginawa ang kanilang exclusive interview sa Crowne Plaza sa Ortigas nu'ng Lunes, June 30. Siyempre, present din ang kani-kanilang manager na sina Tito Alfie Lorenzo at Noel Ferrer. Samantala, may mga nagtatanong kung bakit umuwi pa sina Juday at Ryan at hindi na lang hinintay ang Paris Film Festival, kung saan may screening ang Ploning? Kung tama ang dinig namin, hindi rin maintindihan ni Tito Alfie ang plano ng dalawa. Kung siya raw ang masusunod, dapat sana'y hinintay na lang nila ang filmfest. Ganunpaman, nagpapasalamat na rin si Tito Alfie, dahil bago umalis uli sina Juday at Ryan, nakapag-shoot pa ang alaga ng isang bagong commercial. * * * EXCITED si Annabelle Rama sa My Monster Mom. Kung hindi ba naman, eh, susuyurin niya ang lahat ng programa ng GMA-7 para mag-promote at magmamakaawa sa mga kaibigan at kababayan na suportahan ang kanyang "launching" movie? Ang dinig namin, okay naman ang resulta ng first day ng MMM sa takilya nu'ng Miyerkules. At least, nagbunga ang lahat ng paghihirap ni Tita Annabelle, huh! Source: People's Tonight |