Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon, wanted kay Tuesday Vargas! Direk Maryo, sure na ang pagdalo sa Int'l Emmy Awards!

Sharon, wanted kay Tuesday Vargas! Direk Maryo, sure na ang pagdalo sa Int'l Emmy Awards!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Sa unang linggo ng Disyembre mag­wawakas ang Rosalinda na pinagbibida­han nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, at dini­direk ni Maryo J. delos Reyes. Pero, sa Nobyembre 21 ay huling araw na raw ng taping nila.

Ngayon pa lang ay sinasabi na ni direk Maryo na gusto niyang dumalo sa International Emmy Awards, na kung saan ay nominado nga sa best telenovela ang dinirek niyang teleserye na Magdusa Ka, na pinagbidahan ni Katrina Halili.

Pag-amin pa ni direk Maryo, gusto niyang mauna sa New York para makapamasyal na rin. At wala nga raw siyang planong tumanggap muna ng project sa buwan ng Dis­yembre, dahil type niyang magpahinga muna sa New York, at makapanood ng mga Broadway musicals.

Sa pagkakatanda ni direk Maryo, huli siyang nagpunta sa New York nu'ng dumalo siya sa isang awards night na kung saan ay kasali rin ang dinirek niyang pelikula na Magnifico.

Tandang-tanda pa niya na bago ipinalabas ang pelikula roon ay humarap muna siya sa mga international correspondents at nagsalita.

Sabi pa ni direk Maryo, excited siya sa Emmy Awards, dahil sigurado raw na makakatsikahan niya roon ang mga sikat na personalidad sa TV sa buong mundo.

Pabirong sinabi pa ni direk Maryo na kahit siya pa ang magbayad ng pamasahe niya papuntang New York ay gagawin niya, makarating lang sa
Emmy Awards.
***

Hindi pa mabuo ni Tuesday Vargas ang listahan ng mga principal sponsors para sa kasal nila ni Coy Placido na member ng Session Road Band.

Hindi pa kasi makumpirma ang partisipasyon ng megastar na si Sharon Cuneta, na isa sa mga gustong maging ninang ni Tuesday.

Sabi ni Tuesday, hindi raw niya alam kung paano makukontak si Sharon.

Well, kung gustong makontak ni Tuesday si Sharon, puwede naman niya itong puntahan sa show nitong Sharon sa ABS CBN.

Anyway, kumpirmado na raw na kasali sa mga principal sponsors ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquaio, pati na si Sen. Ramon Bong Revilla.

Imbitado rin daw sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid naman daw ang kakanta sa kasal nila ni Coy, na nakatakdang ganapin sa July, 2010 sa Boracay.

Anyway, kilig na kilig si Tuesday sa engagement ring na suot niya, na may malaking bato. Inamin niya na siya ang pumili ng singsing, pero si Coy raw ang nagbayad.

Tumanggi si Tuesday na sabihin kung magkano ang halaga ng naturang singsing.
***

Sa Oct. 28-31 na ang BonPen Festival sa Quezon. Iba't ibang klaseng events tulad ng street dan­cing competition, float parade, concert, higher-le­vel dance sport, Ms. BonPen beauty pageant, trade fair exhibit, slogan ma­king contest, tourism workshop, BonPen magazine launching at Oktoberfest, ang masasaksihan.

Ang BonPen Festival ay pangungunahan ni Board Member Lourdes “Bunso” de Luna-Pasatiempo na siya ring cover ng BonPen Magazine.

Source: Abante