Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sharon-Kiko, puwedeng kasuhan ng kakuriputan!

Sharon-Kiko, puwedeng kasuhan ng kakuriputan!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

NAKU, baka si Senator Kiko Pangilinan naman ang maharap sa senado one of these days dahil sa hindi niya pagpapa-dinner sa mga sampung local press na nagtungo sa Hong Kong for the coverage of Senator Kiko's re­gister & vote campaign sa mga OFWs.

More-over hindi man lang daw nagbigay ng pakimkim para pang-shopping ng mga dumayo who were billeted in a chea­per hotel kaya ni one Hong Kong dollar ay hindi nagpakawala si Senator Kiko, kaya puwede siyang kasuhan ng kakuriputan - silang dalawa ng misis niyang si Sharon Cuneta! Ha! Ha! Ha!

Sina Juday at Ryan kasama ang anak nilang si Yohan ay Miyerkules pa nasa Hong Kong dahil dinala sa Ocean Park at Hong Kong Disneyland ang bagets nila. Sabado pa ng gabi dumating sa Hong Kong ang mag-iinang Sharon, Frankie at Miel with their respective yayas. Si yaya Luring lang ang missing.

Bagaman magkakasama kami ng hotel ay ni hindi kami nagkakaalaman ng kani-kaniyang kuwarto kaya walang istorbohan.

Tulog kasi ako buong maghapon. Alas-dos ng hapon ako dumating ng HK.

Nagising ako bandang alas-diyes ng gabi at itinuloy ko na ang tulog ko until Sunday morning.

Galing sa Mongkok sina Juday at Ryan nu'ng makita nila kami na nagti-check-in. May hahabulin daw ang dalawa kaya hindi na kami nakapagkuwentuhan.

Pagbaba namin ng ground floor ay nanduon na ang mga Hong Kong fighters ni Juday led by Elvie, Tiger, Blue, Lyle & others. Biro nga ng mga bruhang OFW ay kanya-kanya raw ni-re-represent sila: tong-its group, pek­wa group, pusoy group, mahjong group, pares-pares group.

These are the group who grouped together e­very Sunday at kanya-kanya silang balitaan ng mga nasagap nila from the internet, tabloids, TV and overseas calls. Kaya updated sila sa showbiz news. Kadalasan ay sila pa nga ang nakaka-scoop.

Gaya ng pagsu-show daw ng mag-sweetheart this coming September sa Hong Kong. Sino sila? Kayo naman, napaka-na­­i­ve noh!

May kanya-kanyang bitbit na mga heavy bags ang grupo. Bawat isa ay may pasalubong para sa akin, kay John-John, Juday at Ryan and most of all - the apple of their eyes: Yohan.

Pero bawal pa ring kunan ng picture ang bagets na lagi namang tulog sa kuwarto nila dahil sa sobrang pagod sa mga pinupunta­han nilang mag-anak.

Mga toys ang kay John-John syempre pa at sa akin naman ay kape at sigarilyo!

Nagkaroon ng problema sina Senator Kiko with regards to meeting the OFWs na malaki ang bilang. Sana ay sa Hong Kong coliseum imi-meet nina Kiko, Sharon, Juday at Ryan pero hindi sila pinayagan dahil kulang sila sa security, baka raw magkaroon ng stampede.

Of course we all know na si Sharon has a following that can fill up the coli­seum. Si Juday naman ay saksi kami nu'ng launching ng AMA computer school sa Hong Kong at dinala siya sa Central kung saan nanduon pag araw ng Linggo ang mga kababayan natin. Nagulo ang trapik nu'ng dumating si Juday dahil bumuntot sa kanya ang sangkatu­tak na mga Pinay sa pagtawid sa kalye, kaya kabi-kabila ang mga sari-saring busina ng mga sasakyan dahil green light na, pero hindi mapatid ang haba ng mga nakasunod na mga kababaihan kay Juday na mag-isa lang na inaalalayan ng mga tauhan ng AMA. Hay naku, ipinagtabuyan kami ng mga pulis na hindi syempre kilala si Juday at nagtataka sila kung sino 'yung binubuntutan ng mga Pinay. Pinaalis kami sa Central place kaya bumalik sa AMA computer building ang grupo ni Juday at doon na lang isa-isang pinapila ang lahat ng mga gustong magpapirma at magpalitrato with Juday.

Ganyan din ang solusyon na nagawa ng grupo ni Senator Kiko. Inanunsyo niya sa radio na sa Philippine Consulate na lang sila magtungo at magparehistro. This was after Kiko met the Philippine press and local Hong Kong press on the 27th floor of the Park Lane hotel, Hong Kong side facing the vast Victoria Park.

Puwede rin sana sa park kaya lang wala ngang security dahil naglalaro ang mga Indonesians sa malawak na park. (ITUTULOY)

Source: Abante