Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sheryl Cruz, bagong Bella Flores!

Sheryl Cruz, bagong Bella Flores!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

SA totoo lang, kapag nasa bahay lang ako, mas enjoy ako na pinanonood ang Ysabella ni Judy Ann Santos ng ABS-CBN, kesa sa Mga Mata ni Anghelita ng GMA-7.

Natural na natural kasi ang acting ng main cast tulad nga nina Juday, Aiza Seguerra, Gina Pare�o, Coney Reyes at lalo na si Ryan Agoncillo.

Pagdating kay Derek Ramsay, umaakting talaga ito kaya naman pagdating sa mga eksena niya, let down siya, huh!

Hindi naman namin masyadong matagalan ang sobrang drama sa Anghelita.�Maging ang pagiging caricature ni Sheryl Cruz, sumobra naman.

Naku, para na siyang si Bella Flores, ha! Gusto ba ni Sheryl na mabansagan talaga siya na Bella Flores ng bagong panahon?

Pagdating sa kuwento, of course, higit na bago rin ang Ysabella dahil pinaglumaan na ang Anghelita. Ang tanging konsolasyon lang nito ay ang nagmimilagrong ratings, huh! Gayunpaman, kung aktingan at kuwento rin lang ang basehan, hindi hamak na mas feel namin ang Ysabella dahil kumpletos rekados talaga ito, huh!

***

Wala raw alam si Susan Roces sa pagsanib ni Senator Chiz Escudero kay Sen. Manny Villar na nahalal muli bilang Senate President.

Nasa bakasyunan daw si Tita Susan nang hingan namin ng reaksyon ang manager niyang si Dolor Guevarra.

Nagri-rest marahil si Tita Susan dahil nga katatapos lang ng birthday niya. Well, tingnan nga natin kung magbibigay siya ng komento sa mga nangyayari ngayon kay Sen. Chiz?

O baka naman alam din niya ang sitwasyon ni Sen. Chiz, at okey lang `yon sa kanya. Anyway, patuloy naman na iginigiit ni Sen. Chiz na oposisyon pa rin siya hanggang ngayon.

***

Sa pag-alis ni Angel Locsin sa GMA 7, namimiligro naman daw ang ibang artists ni Becky Aguila na nakakontrata sa network tulad nina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at iba pa.

Of course, sa simula ay hindi agad ito mapapansin. Mainit pa kasi ang isyu. Magiging obvious lang ang benggahan/gantihan, kumbaga kahit sabihing walang kinalaman ang ibang artista ni Becky Aguila sa sigalot na sinuong nila, kapag unti-unti ay nawawalan na sila ng trabaho, o kapag may mga bagong mukha na mas pingtutuunan ng atensiyon ang network.

Kaya naman dapat nang paghandaan ni Becky ang sitwasyong ito dahil �yon ang magiging consequence ng ginawa nila ni Angel, kung pagbabasehan ang maanghang na statement mula sa GMA, huh!

At �yung ibang talents ni Becky, paghandaan na ang pangyayaring mabawasan o mawalan sila ng trabaho sa GMA, huh!

Source: Abante