Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sheryl Cruz idini-divorce ng asawa

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

BONGGA ang inihandang presscon para sa bagong soap ng GMA7 na Rosalinda na gagampanan ni Carla Abellana, dahil bukod sa nagmistulang garden ang studio 5 ng Kapuso network ay iba't ibang putahe rin ang pagkain para sa mga bisita.

Si Roderick Paulate ang nagsilbing host sa presscon na kasama rin sa cast ng Rosalinda. Pi-naringgan ang magaling na actor-comedian na ba-ka naliligaw siya ng network dahil madalas si-yang lumalabas sa ABS-CBN.

Dahil magaling na actor at madaling maka-pick-up ng biglaang controversial na tanong ay kaagad itong nagpaliwa-nag: "Hindi po ako nali-ligaw. Katunayan ay ako ang may-ari nitong napakagandang garden. "

Naibaling kaagad ni Roderick ang usapan sa istorya ng Rosalinda at isa-isang ipinakilala sa press ang bumubuo sa bagong teleserye ng GMA7 na magsisimula na sa Lunes (July 6).

Kasama sa cast si Katrina Halili as Fedra at hindi naman binigo ng controversial sexy actress ang mga press nang dumating siya sa presscon. Ang kaso pagkatapos siyang ipakilala ni Roderick as Fedra at rumampa sa stage ay hindi na ito muling nagpakita sa mga reporter para ma-kausap at makatsikahan.

Nag-text sa kasama-han namin sa panulat si Kat para sabihin na hindi na siya makakaharap sa press. Ang tunay na rason ay hindi naman na-ging malinaw sa mga reporter. Pero, iisa ang pumasok sa isipan ng mga naghihintay na kasama-han sa panulat. Ayaw si-guro raw ni Katrina na makaagaw ng eksena dahil si Carla ang star ng Rosalinda kaya nagpa-alam na lang ito sa staff at producer ng show na hin-di na muna siya aapir sa question and answer portion ng presscon.

* * *

SA presscon pa rin ng Rosalinda nakatsikahan na-min sina Sheryl Cruz, Marco Alcaraz, Gian Mag-dangal at ang female lead star na si Carla

Tsika namin kay Sheryl, wala ba siyang kontrata sa Dos kaya tumanggap ng pro-ject sa Siyete?

"Wala naman po akong kontrata sa Dos at sa Siyete. Per project po ang kontrata ko sa dalawang networks. Kung saan may magandang offer, tinatanggap ko. Nagpapa-salamat nga po ako sa GMA7 dahil isinama nila ako sa Rosalinda," say ni Sheryl.

Inamin din sa amin ni Sheryl na nag-file ng divorce ang kanyang husband sa Tate. At nang ma-laman daw ng kanilang 8 years old daughter na mag-hihiwalay sila ay nag-iiyak ito.

"For 12 years na pagsasama namin, hindi ko inasahan na darating kami sa ganitong sitwas-yon. Pero in the first place ay mabuti na rin ito kesa sa lagi na lang kaming nag-aaway," pahayag pa ni Sheryl

Going back sa Rosa-linda kung saan gaganap na mother si Sheryl ni Geoff Eigenmann. Sa ganda at seksi ngayon ni Sheryl ay parang alangan na maging nanay siya ni Geoff sa Rosalinda.

Pero, pagtatanggol naman ng actress sa mo-ther role, sa panahon daw ngayon ay hindi na imposible na magmukhang magkapatid na lang ang mag-ama or mag-ina

Anyway, loveless si Sheryl ngayon at pinagdidiinan niyang wala si-yang panahong umibig ulit dahil ang attention niya ay naka-focus lang para sa kinabukasan ng kanyang anak.

* * *

NAKAKA-TOUCH ang ginawang pagtulong at pagtupad ni Dingdong Dantes sa wish ng isang 13 years old na maysakit na babae.

Sa mga hindi nakaka-alam ay matagal nang ginagawa ni Dingdong ang tumulong sa mga nangangailangan. May scho-lars na rin siyang napagtapos ng pag-aaral, at may ilang may karamdaman ang natulungan niya. Pero lahat ng ito ay hindi nasusulat.

Tubong Mindoro ang maysakit na dalagita at sa tuwi itong lumuluwas sa Maynila at nagpapagamot ay sa Child Haus ito nagi-stay sa pagbabaka-saling makita in person ang iniidolong si Dingdong dahil madalas duma-law ang actor sa Child Haus.

Binigyan-katuparan ng Showbiz Central ang wish ng may karamdamang dalagita na makita, mayakap at makausap si Dingdong. Nabiyayaan pa siya ng standee ng ak-tor at isang cellphone na may direct line kay Dingdong, at may kasama pang TV. Sabi ni Dong nang makausap namin, muntik na raw siyang bumigay, meaning mapai-yak sa pagta-tagpo nila ng maysakit na dalagitang fans.

Tungkol naman sa ba-go niyang teleseryeng Stairway to Heaven na ididirek ni Joyce Bernal, magsisimula na silang mag-taping sa August.

Wala pa raw napipi-ling leading lady niya. At bilang paghahanda sa kanyang role ay pinapanood niya nang makai-lang beses ang DVD copy ng Korean teleseryeng Stairway to Heaven kung saan siya ang gaganap na Cholo.

* * *

SINA Paolo Contis, Mark Herras, Sunshine Dizon, Rochelle Pangilinan at Chynna Ortaleza ang guests at makakasama ng Bubble Gang barkada ngayong Friday

Sa gags, iba't ibang nakakatawang paraan nang paglisan sa taha-nan ang mapapanood da-hil sa darating na bagyo. Sa Moymoy segment, kakantahin ng dalawa ang Always Be My Baby by Mariah Carey.

Sa Spoiled Brat pagsasabihan ni Yaya si Angelina na magpalit ng damit, pero 'di makikinig ang huli.

Nakaaaliw ang segment na Ang Masahista kung saan si Paolo ang gaganap na action star at si Bitoy ang masahista. At lalong nakaaaliw ang Pilyong Lolo Bitoy na na-sa wheelchair na nakatakda nang lumabas ng ospital.

Si Maureen Larrazabal ang magsisilbing nurse na pagnanasaan ni Bitoy.

Source: Taliba