Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sheryl 'di nakayang tanggihan ang ABS-CBN

Sheryl Cruz

Author: Veronca R. Samio
Column: Sanga-sangandila

Bago pa lumipat ng ABS CBN si Sheryl Cruz ay nasabi na niyang ayaw na niyang magkontrabida. Kaya nagtataka ang marami niyang tagasubaybay kung bakit isa na namang bad girl ang role niya sa unang TV series sa nasabing istasyon.

“Hindi ko matanggihan yung napakagandang offer sa akin ng management ng ABS CBN. Sinabi pa nila na bago nila in-offer ang mga roles sa mga bata ay ako kaagad ang naisip nilang paganapin sa role ni Miss Minchin na napaka-halaga ng ginagampanan sa series.

“I know that I've said before na ayaw ko nang maging kontrabida but since I couldn't say no to the offer, inalam ko na lang muna kung bakit galit ang character ko kay Princess Sarah. At least gusto kong bigyan ng justification ang pagiging bad ng character ko. Ayaw ko naman ng character na basta nagagalit na lang, lalo na sa isang bata nang walang dahilan. I learned na kaya malaki ang galit nito sa bata ay dahilan sa hindi (Albert Martinez) siya pinakasalan ng ama nito,” paliwanag ni Sheryl who promised na talagang ito na ang huling pagtanggap niya ng role ng isang kontrabida.

“Sa tunay ba buhay nga ay hindi ako na namamalo ng anak, malambing ako sa mga bata, kahit na sinong bata, tapos sa TV mapapanood ako ng mga bata na napaka-mean. Even to my child, mahirap kong ipaliwanag yun,” dagdag pa niya.

Inamin ng comebacking actress na ang GMA 7 ang nagsimula ng kanyang career bilang kontrabida.

“Át first, ayaw ko talagang gawin ang role sa Bakekang, pero as an actress I would be turning down a very good role. Sinundan ito ng isa pang kontrabida role sa Sinasamba Kita. Sa Bakekang ako nakita ng ABS CBN and thought of me while casting for Princess Sarah.”

* * *

Kung hindi nagkalakas ng loob si Irish Fullerton na balikan ang napakaikli niyang career dito, baka wala siyang seryeng ginagawa na tulad ng Princess Sarah na kung saan ay ginagampanan niya ang role ng isang teacher na kinaiinggitan ng labis ni Miss Minchin (Sheryl Cruz).

Bumalik ng US si Irish matapos siyang maintriga makaraang lumabas sa Pinoy Dream Academy. Dalawang buwan lamang ang itinagal ng kanyang pananatili dun. Na-miss niya ang trabaho niya rito.

Umuwi siya para balikan ang kanyang pagkanta. Kahit man lamang bilang isang singer ay gusto niyang may mapatunayan siya. Gusto rin niyang makilala siya sa mundo ng local entertainment.

Hindi lamang ang pagkanta niya ang mababalikan niya, isinabak na rin siya ng ABS CBN sa pag-arte, dito nga sa Princess Sarah na ginawang musical.

“Im excited and privileged to be acting with Miss Aiai delas Alas, Albert Martinez, Carlos Agassi, Candy Pangilinan, Matt Evans, Melissa Ricks, Eunice Lagusad, Angel Sy, Miss Sheryl Cruz at sa sa mga child stars.

Princess Sarah is directed by Noel Nuguid and is due to air on November 12.

* * *

Isang aso ang nagbibigay ng panibagong problema sa mga Zaido. Ito si Bawaw-aw na kinup­kop ni Cervano (Aljur Abrenica) sa bahay niya. Nagagawa nitong maging isang cute puppy pero, ang hindi batid ni Cervano ay nagiging mga monster ang nakakagat nito.

Nasaksihan natin ang pagla­laban ng mga Zaido at nina Bawaw-aw, Drigo (Jay Manalo) at mga kakampi nito. Wala silang laban sa lakas at pwersa ng tatlong Zaido na tinulungan pa nina Amy (Kris Bernal) at Carmela (Diana Zubiri) na hindi rin tinalo ng mga Amasona.

Tumakas si Bawaw-aw at pumunta ng space dala-dala si Gelo (bilang hostage). Sinundan siya ni Zaido Red at pinatay para mailigtas ang bata.

Mas maaksyon pa ang mga susunod na kabanata ng Zaido, Lunes hanggang Biyernes sa GMA7.

Magpapatuloy din ang love triangle nina Cervano, Alexis (Marky Cielo) at Amy. Sino kaya sa dalawa ang makakasungkit ng puso ng matapang at magandang Zaido, na kulang pa ang tiwala sa kanyang bagong posisyon?

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Source: Pilipino Star Ngayon