|
|
| Sheryl, maraming natutunan kay Susan![]() Author: Joe Barrameda Nagkita-kita ang mga artistang gumanap sa last taping day ng Now & Forever (Season 2) noong Sabado sa Pasig City. Nakaaaliw ang mga artista dahil inobliga nila ang isat isa sa pagdadala ng mga pagkain at inumin. Sinagot nina James Blanco, Nadine Samonte, Cogie Domingo, Cris Villanueva at ang iba pang bagets ang lechong baka at baboy. Nagdala ng mga cake si Sheryl Cruz. Sinagot ni Beth Tamayo ang mga alak, beer at sari-saring inumin. Hindi namin matandaan kung sino ang nagdala ng malalaking alimango atsugpo. Hindi nakarating si Zoren Legaspi na nangakong magdadala ng Nido Milk. Baka nakatulog. Hindi naging hadlang iyon sa pagsasaya ng mga tao. Feeling namin ay parang Pasko ang atmosphere dahil bukod sa inarkila nilang karaoke para magkantahan ay namudmod naman ang mga artista ng kung anu-ano para sa mga kapwa artista, production crew at kung kani-kanino. Kaya napakasaya ng mga taong naroroon noong gabing iyon. *** Hindi maubusan ng magandang mga pananalita si Sheryl Cruz sa tiyahing si Miss Susan Roces. Hindi raw alam ng mga tao na may pagka-relihiyosa ang Tita Susan niya. Maski sa maikling paglalakbay nito ay hindi nito nalilimutang magrosaryo. Kapag weekend ay farmer daw ang kanyang Tita Susan. Buong pagmamalaki pa ni Sheryl na ang Tita Susan niya ang gumagawa ng sariling speech tuwing mapapanood natin ito sa mga news program. Si Susan daw mismo ang nagme-make-up at nag-aayos ng buhok sa sarili. Ang natutunan niya sa kanyang tiyahin ay magpakababa at huwag alipustahin ang mahihirap, bagkus pakitunguhan ang mga ito. Kaya alam niya na bukal sa kanyang tiyahin ang matulungan ang mga kababayan natin na lalong naghihirap sa ngayon. *** Lagotadia ang episode ngayong gabi ng Lagot Ka Isusumbong Kita, kung saan panauhin ang dalawang karakter ng telefantasyang Encantadia. Nasa panganib si Danaya (Diana Zubiri) sa Encantadia, kaya nagtago silani Imaw sa convenience store ni Madam Tusha na napagkamalan nilang si Mayordoma Rosing (Vangie Labalan). Noong una ay itinanggi ni Madam Tusha ang pagiging mayordoma, pero nagkainteres siya kay Danaya nang matanto niya na may gold nuggets ito. Nagkainteres din sina Tsong, Ric, Toto at Junior kina Danaya at Imaw nang umentra ang dalawang doktor na nagsasabing hinahanap nila ang dalawang takas sa mental hospital na naka-costume. May P1M pabuya sa makahuhuli sa dalawang takas sa mental hospital. *** Sa Encantadia, sasaksakin ni Alena (Karylle) si Lira (Jennylyn Mercado) gamit ang gintong punyal. Ito ba ang maging daan para sa matinding salpukan ng magkapatid na Amihan (Iza Calzado) at Alena? Sa paglalakad nina Imaw at Awoo, makikita nila si Gurna (Girlie Sevilla) hawak ang mahiwagang tungkod na matagal nang hinahanap ni Imaw. Mabawi na kaya ni Imaw ang kanyang tungkod? *** Masama ang loob ni Direk Gilbert Perez sa nasulat na hindi maganda ang pakikitungo niya sa mga batang artista. Ang suspetsa niya ay sumama ang loob ng mga magulang ng mga batang artista nang pauwiin niya isang gabi sa taping. Kaya raw niya pinauwi ang mga bata ay naawa siya sa mga ito na walang matulugan sa set. Nakita raw niya na antok na antok na ang mga ito. Alam daw niya ang batas sa child labor ng DOLE kaya maingat siya sa bagay na ito. *** Mariing itinanggi ni Marian Rivera na nanliligaw sa kanya si Dennis Trillo. Si Marian ang bagong ka-loveteam ni Oyo Boy Sotto at bagong alaga ni Popoy Carititivo. Inamin ng dalaga na minsan siyang niligawan ni James Blanco pero hindi ito ang naging dahilan ng pag-alis ni James kay Popoy. Si Marian ay isang commercial model na nagtapos ng Psychology sa De La Salle. Mainstay siya ng panghapong telenobela na Kung Mamahalin Mo Lang Ako ng TAPE Productions. Napakaganda ni Marian na minsan din naging beauty titleholders ng mga eskwelang pinasukan niya. Source: Abante Tonite |