|
|
| Showbiz celebrities start choosing their candidates![]() Author: Fidel Jimenez Hindi nawawala ang mga artistang nag-eendorso sa kandidatura ng ilang aspirante tuwing eleksiyon. At ngayon pa lang, sinasabing ilang showbiz stars na ang may napupusuang kandidato na susuportahan nila sa 2010 elections. Sa GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni entertainment reporter Nelson Canlas, na kabilang ang Kapuso star na si Dingdong Dantes sa mga nililigawang artista ng kampo ni Sen Benigno "Noynoy" Aquino III. Bagaman karangalan daw ni Dingdong na piliin ng mga Aquino na maging youth spokesperson ni Noynoy sa kampanya, sinabi nito na naghihintay pa rin siya ng "final talks" sa mga ito. Ang comedy star naman na si Michael V, sinabing si Senador Manny Villar ang napapabalitang susuportahan sa darating na eleksiyon. Hindi naman nagbigay ng kategoryang kumpirmasyon si "Bitoy" pero makahulugan ang ginawa nitong pabirong sagot. Habang nasa karakter ni 'Yaya' ng sikat na tandem nila ni Ogie Alcasid na "Yaya and Angelina," sumagot ito na hindi pa alam ni Bitoy ang desisyon pero sumenyas sa kamay na ginawa ni Villar sa kanyang youth infomercial. Samantala, ang talent manager/host na si Boy Abunda, bagaman kumalas ng suporta kay Villar at lumipat kay Noynoy, puro papuri naman ang ibinigay nito sa pamilya ni Villar. Matapos gumawa ng infomercial kasama si Villar, lumipat si Boy kay Noynoy na kapatid ng kanyang best friend na si Kris. Pero hindi pinalampas ni Boy ang kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y kinita niya sa kampo ni Villar. This page requires a higher version browser "May umiikot nga na tsismis na 'di umano'y ika'y binayaran ng P25 milyon ng Villar camp. But that's not the story; the story is you were paid, you were given that amount P25 million but you're not returning the amount, bakit 'di mo binabalik. Yun ang medyo nakakagalit, at nakakatawa," kuwento ni Boy. Maging si Kris ay nasasaktan din sa mga tsismis laban sa kanyang kaibigan na alam niya na libreng nagpaunlak ng interview kay Villar na ilang taon daw naging kaibigan ni Boy. Sinabi ni Boy na naging mahirap para sa kanyang ang kumalas kay Villar dahil wala siyang narinig na masama mula sa pamilya ng senador. "No one called me, to ask, to pressure, wala talaga. It would have been easy for one of them to say na o Boy sa'n ka na ngayon? wala. Walang nagtanong, walang nagduda, walang nagpahirap sa akin. Kaya naging mas mahirap yung desisyon," ayon kay Boy. Sabi ni Kris na bukod kay Abunda ay marami na rin siyang celebrities na nakuha para mag-endorse sa kanyang kapatid. Sa isang ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabi umano ni Kris na pumayag na rin ang itinuturing "prime time queen" ng Kapuso network na si Marian Rivera na suportahan si Noynoy. Dahil magkapartido sa Liberal Party sina Noynoy at Sen Francis Pangilinan, sinabi ni Sharon Cuneta na susuportahan din niya ang kandidatura ng kapatid ni Kris. Umapela naman sa publiko ang opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na huwag magpadala sa star power at sa halip ay kilatising mabuti ang kakayahan ng mga kandidato. "Alisin na yun kung sinong sikat, yung popular, kung sino yung kaibigan, kamag-anak...gamitin yung konsensiya i-uplift ang moral values sa pagpili ng kandidato," payo ni Amb. Herietta De Villa, national chairperson, PPCRV. Source: GMANews |