Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Showbiz, kalilimutan na raw ni Yasmien

Showbiz, kalilimutan na raw ni Yasmien

Author: Abante

HINDI namin alam kung seseryosohin ba namin ang mga pinagsasabi ni Yasmien Kurdi na titigil muna siya sa showbiz.

Kelan lang ay sinabi ni Yasmien na pupunta siya ng London para ipagpatuloy ang kanyang masteral degree. Inaayos na raw ang mga papers niya.

Desidido nga raw si Yasmien na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dahil ito ang pinangako niya sa kanyang ina.

May nagsabi na baka may kinalaman ang nangyari sa kanila ni Baron Geisler kaya nagdesisyon si Yasmien na tumigil muna sa showbiz.

Masyado raw kasing naeskandalo si Yasmien sa hindi magandang ginawa ni Baron sa kanya kaya gusto niyang umalis muna at kalimutan pansamantala ang showbiz.

Si Yasmien lang ang makakasagot sa tanong na ito kung seryoso ba siya sa kanyang desisyon at kung hindi ba siya magsisisi dahil marami pa namang projects na mawawala sa kanya kapag nagkataon.

Knowing Yasmien na paiba-iba ang pag-iisip. Naku, hintayin na lang natin kung gagawin nga niya na mag-quit muna o kalimutan muna ang showbiz.

Source: Abante