|
|
| Showbiz, nagbigay-pugay kay Tita Cory... Kris, 'di bibiguin si Sen. Noynoy...![]() Author: Jun Nardo LUTANG na lutang ang kahusayan ni Lea Salonga nang kantahin niya ang Bayan Ko sa huling misa bago ang libing ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Cathedral, kahapon nang umaga. Punumpuno ito ng damdamin at makatindig-balahibo kaya naman umani siya ng malakas na palakpak mula sa mga nakiramay. Of course, bukod sa makukulay na kuwento at pagkanta ng mga sikat na showbiz personalities gaya nina Zsa Zsa Padilla, Martin Nivera, Regine Velasquez, Jose Mari Chan, Ogie Alcasid at iba pa, ang huling pahayag ni Kris Aquino ang inabangan ng lahat. Ipinahayag ni Kris ang pasasalamat sa tatlong kapatid na babae, pero higit sa lahat kay Sen. Noynoy Aquino na magsisilbing protector ngayon ng anak na si Joshua. Ang panganay na ito ni Kris ang nagsabi noon kay Sen. Noynoy na huwag nang pakasal. Subalit higit na pinalakpakan ng tao ang pahayag ni Kris na silang dalawa ni Noynoy ang magpapatuloy sa sinimulan ng kanyang ama't ina. Kaya naman si Kris, anumang suporta ang hilingin ng kuya Noynoy niya, hinding-hindi niya ito bibiguin. Nakakalungkot nga lang dahil sa libing ni Tita Cory, patuloy ang buhos ng malakas na ulan. Isang palatandaang pati ang langit ay nakidalamhati sa pagkawala ng isang Presidente Cory na higit na inuna ang kapakanan ng bayan kesa sa sarili. Gayunpaman, suwerte tayong mga Pinoy dahil nakilala at ipinaglaban tayong mga Pinoy ni Presidente Cory. Sobrang pagbabandera naman yata ang ginawa ng The Buzz na paglampaso nito sa ratings ang kalabang Showbiz Central last Sunday. First time sigurong nakatikim ng ganoong ratings ang talk show ng Dos, huh! How pathetic! Siyempre, first time ni Kris na ikuwento sa publiko ang huling sandali ng inang si Presidente Cory. Natural na abangan 'yon ng tao, eh, host naman ng talk show si Kris. Normal din 'yung magpadala ng TV crew ang mga TV stations upang mag-cover ng malalaking event. Pero 'yung mag-set up daw ang The Buzz sa mismong burol ni Tita Cory, ano ba 'yan? Chismis show ang The Buzz, 'di ba? Hindi ba puwedeng sa studio na lang ginawa ang show at kinunan na lang si Kris sa La Salle gym? Kaso, hindi ganoon ang nangyari! Nag-set up talaga ang buong show sa La Salle gym na hindi man lang kinonsidera na icon of democracy ang taong nakaburol ng mga sandaling 'yon! Talking about manners, 'no? Ratings first before service talaga, huh! Ano 'to? Hindi muna itutuloy ni Mother Lily ang birthday blowout kay Marian Rivera ngayong Sabado dahil sa hectic na schedules ng young actress sa Darna tapings. Sa halip ay sa August 20 na ang birthday blowout ng Regal producer sa bida ng horror movie na Tarot na showing na sa August 26 at magkakaroon ng premiere sa August 24. Ayon sa director ng movie na si Jun Lana, may isang araw pa silang shooting na natitira. Although nangangarag siya sa pagkuha ng isang araw na sked sa mga artista, natutuwa naman siya sa magandang feedback sa trailer ng Tarot. Siyanga pala, sa huling burol kay Tita Cory, dumagsa rin ang mga taga-showbiz para magbigay-pugay. Ilan sa mga nakitang dumating ay sina Marian at Dingdong Dantes, Gabby Concepcion, at si Gov. Vilma Santos. Ayon sa isang taong nakasaksi sa pagdating nina Dingdong at Marian, biglang nagkagulo ang mga tao sa burol dahil sa presence ng dalawa. Itim na t-shirt ang suot ni Dingdong na may mukha ni dating Senador Ninoy Aquino. Source: Abante |