|
|
| Showbiz nagluluksa sa pagpanaw ni Tito DouglasAuthor: Chan-Chan Torres Nagluluksa ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng talent manager na si Douglas Quijano. Isa sa iilan na well-loved sa industriya si Tito Dougs, na tumatayong manager ng mga sikat na artistang sina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Gelli de Belen, Janice de Belen, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at marami pang iba. Minsan din niyang na-ging talents sina Carmina Villaroel, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso noon during Palibhasa Lalake days noong 80's. Bilang manunulat, marami rin kaming magagandang alaala with Tito Dougs. Isa siya sa manager na madaling lapitan para ma-interbyu ang mga alaga ni-yang artista. Siya rin ang tumulong sa amin nu'ng baguhan pa lamang kami sa pagsusulat at supportive talaga siya sa mga wri ters na nagsisimula pa lamang. The last time na nakita namin siya ay nu'ng Bench affair sa Trinoma. Little did we know 'yun na pala ang huling beses namin siyang makikita. Pumanaw si Tito Dougs last June 13 at atake raw sa puso ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Kasalukuyang nakaburol sa Chapel 7 ng Heritage Park ang mga labi ni Tito Dougs at wala pang final date kung kailan ang kanyang cremation. * * * Isang matagumpay na Wowow-lympics ang naganap last Saturday sa Ara-neta Coliseum sa pangu-nguna ni Willie Revillame at co-hosts niyang sina Pokwang, Mariel Rodriguez, Saicy Aguila at Valerie Concepcion. Mas exciting ang event ngayon dahil hindi lang taga- Wowowee ang naglaro, dahil sinalihan pa ito ng Star Magic talents na talagang hindi nagpapahuli sa galing sa paglalaro ng basketball at volleyball. Walang halong kiyeme, mataas ang naging total sales ng Wowow-lympics dahil puno ang Araneta Coli-seum, hanggang sa pinaka-tuktok. Ibig sabihin, malaki ang mapupunta sa Bantay Bata at ibang charity institutions dahil fundraising drive ito. Kasali sa volleyball ng Star Magic team sina Kim Chiu, Angelica Panganiban, Pau Diaz, Dionne Mosanto, Janna, Nene Tamayo at iba pa. Sa Wowowee team ay ang ASF Dancers plus Valerie at Saicy na pambato ng Wowowee. Tinalo ng Wowowee team ang Star Magic team sa volleyball. Mas exciting at sobrang ingay sa loob ng Araneta nang magsimula ang basketball game. Parehong Star Magic at Wowowee teams din ang naglaban. Kabilang sa Star Magic Team sina Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, Jason Abalos, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Gerald Anderson at iba pang new members ng Star Magic. Grabe, sobrang tinitilian sa loob ng venue sina Gerald at Diether. Talagang may recall ang karakter nila sa kanilang mga teleseryeng Only You at Tayong Dalawa. Sa bawat shoot ni Gerald ng bola sa ring, naka-cheer agad ang fans sa kanya at siya ang may pinakamaraming cheer sa lahat ng bagets na nag-participate sa game. Naglaro naman sa Wo-wowee Team sina Bonnel Balingit, Alvin Patrimonio, Jhong Hilario, Bentong, Vhong Navarro, Cesar Montano, John Hall at siyempre si Willie. Kuwela ang laro ng dalawang teams na ito pero nakaka-tense rin dahil naghaha-bulan talaga sila sa puntos. Naroon din para sumu-porta sa proyektong ito ni Willie sina Senador Mar Roxas at Korina Sanchez, Ms. Veanna Fores at ang pamunuan ng Araneta Coliseum. Umalis kami sa venue nang hindi pa natatapos ang gabi para sa mga naroroon. Successful ang proyektong ito ni Willie na for a good cause. Siguradong may Part 2 ito 'pag nagkataon. Source: Taliba |