|
|
| Showbiz personality at rumored BF, lantaran ang tukaanAuthor: People's Tonight EWAN kung hindi naiskandalo ang mga bisita sa isang showbiz party dahil sa diumanoây lantarang pagtutukaan ng isang natsitsismis na magdyowa. Matagal nang nali-link sa isaât isa ang kontrobersyal showbiz personality at rumored non-showbiz BF nito, pero paulit-ulit ang denial nila. Kuwento ng isang guest sa showbiz party, walang pakialam ang naturang pair hitsurang nakikita sila ng lahat na naghahalikan. Panay din daw ang yakapan ng dalawa sa isang sulok ng venue. Kaya raw siguro ganuân ang kontrobersyal showbiz personality ay dahil hindi nito ka-join ang longtime partner. âHindi na niya binigyan ng kahihiyan si _______ (name ng partner ng kontrobersyal showbiz personality), o kung hindi man, ang anak na lang nila. Lumalaki na rin naman âyung bata,â turan pa ng source namin. * * * FINALLY. âYan ang apt title ng debut album ni Iya Villania sa ilalim ng Viva Records. Finally, dahil anim na taon ang hinintay niya bago natupad ang pangarap na maging recording artist. Lingid sa kaalaman ng lahat, pagiging singer ang agenda ni Iya sa pagpunta ng âPinas from Australia. Na-sidetrack nga lang ang ambisyon niya nang kagatin ng publiko at malinya sa hosting at pagiging video jock. Wala namang pinagsisisihan si Iya at sa katunayan, very thankful siya na sa wakas, meron na siyang sariling album, na naglalaman ng eight originals, Spellâs Broken, Morning After, Definitely Lonely at Do You Think Weâll Be Alright?, among others. May ilan ding remakes sa Finally, na personally chosen daw by her manager, Arnold Vegafria. Itoây ang It Takes a Man and a Woman, I Never Cry, Always (na dedicated niya sa boyfriend of four years na si Drew Arellano), at ang carrier single na My First Broken Heart. Sayang at wala si Drew nuâng mini-launch ng GF. May taping daw kasi ito ng Balikbayan sa QTV 11. Filling up Drewâs absence was his mom, na personal na inimbita ni Iya. Super close nga ang Villania at Arellano families as evidenced by the pagtatabi at pagtsitsikahan ng mga nanay nina Iya at Drew over lunch sa Imperial Palace Suites last Tuesday. Paglilinaw nga lang ng dalaga, wala pa silang planong magpakasal ng TV host-boyfriend sa ngayon. Minsan daw, napag-uusapan nila ang mga ganuâng bagay, kung saan sila titira, dito o sa Australia, pagdating ng araw, pero matagal pa raw mangyayari âyon. Sabagay, bata pa si Iya at 22, si Drew naman, 28. Under ba niya si Drew? tanong ng press sa dalaga. âSana nga, eh,â natatawa niyang tugon. Ang totoo raw, Drew is the dominating type. âIâm the one who needs guidance. .. parental guidance,â dagdag biro pa niya. Anyway, kung hindi makakasamaây hiwalay ang magsyota sa Pasko, dahil sa Sydney daw balak mag-Christmas ni Iya. Source: People's Tonight |