Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Si Angel ang nag-aalaga nang husto kay Papa P

Author: Joey Sarmiento
Column: Watsup

HAPING-HAPI ngayon si Piolo Pascual sa kanyang leaner muscle na produkto ng kanyang pagtitiyaga sa work-out.

'Yan ang isa sa mga ipapakita sa kanilang movie ni Angel Locsin na Love Me Again from Star Cinema.

According to Papa P, ma-liban sa rice, matagal na rin siyang hindi kumakain ng beef and pork. Matagal na as in taon na ang binibilang. Chicken and fish na lang daw ang kanyang source of protine. Pero kung sweets ang pag-uusapan, hindi puwedeng makapagpigil si Papa P. Talagang titikim siya dahil ito ang isa sa kanyang weaknesses.

Sa bundok ng Bukidnon mostly kinunan ang pelikula nilang dalawa ni Angel. At dahil madalas na nakasakay si Piolo sa kabayo, nagkaroon siya ng ilang bruises kapag nalalaglag siya.

'Nga pala. Dahil pareho ng gym na pinagwo-work out-an sina Papa P at boyfriend ni Angel na si Luis Manzano, madalas laging ni-re-remind ni Lucky si Piolo na alagaang mabuti si Angel.

Kaso, sa nakaraang press conference, mukhang si Papa P ang naalagaan nang husto ni Angel dahil ang ganda-ganda ng glow ng kanyang kutis ngayon. Kaya sabi ng ibang mga bading, lalong lumakas ang appeal ni PJ sa kanyang morenong color.

* * *

'KAALIW si Lucky Manzano. Kasi hindi niya alam kung ano talaga ang itatawag niya kay Pinky Webb, ang syota ngayon ng kanyang daddy na si Edu Manzano.

Dati, noong hindi pa mag-on sina Doods at Pinky, tumataginting na 'tita' ang kanyang tawag sa magaling na female broadcaster. Pero ngayon, kinausap daw siya ni Pinky and she prefers to be called just plain Pinky.

Para kay Lucky, okey lang naman 'yon dahil kahit na plain Pinky lang ang kanyang itawag sa current GF ni Doods, nandu'n pa rin ang kanyang respeto rito bilang girlfriend ng kanyang Dad.

* * *

HANGGANG ngayon pala ay isyu pa rin ang Christmas party ng GMA-7 sa press people kung saan naging host ang hiyang-hiya na si Arnell Ignacio.

Sa lahat ng pa-Christmas parties sa showbiz so far, pinaka-the best daw ang kay Dingdong Dantes. Wala raw tatalo sa pagbaha ng major raffles na ipinamigay.

Kung give aways naman daw ang pag-uusapan, hands down sa Star Magic dahil sa dalawang plastic bags na gift items from their talents.

At ang ibinotong worst pa-Christmas party ng mga movie press sa isang umpukan. .. ? Your guess is as good as ours, mga Kapuso. .. ha,ha, ha!

* * *

FOR the third time, na-move na naman ang time slot ng Daisy Siete dahil mapapanood na ngayon ang Tinderella pagkatapos ng Saan Darating ang Umaga?.

According to Focus ma-nagement, kailangang mai-announce nang husto ang movement ng kanilang time slot dahil magiging exciting daw ang Christmas week ng Tinderella with the appea-rance nina Papa Kiko at papa Bear ng Barangay LS FM's Talk to Papa. Ewan lang na-min kung very papable ang magiging role ng dalawa sa Tinderella.

Bukod sa apperance ng dalawang radio papables, isang magarbo at super bonggang Christmas masquerade party din ang mapapanood.

Take note, masquerade party ito on a Christmas. Malalaman din du'n ang dahilan kung bakit nakamaskara ang nasa Christmas party ng Tinderella.

Wish lang namin, sana ay last movement na ito ng timeslot para hindi na rin masyadong nalilito ang lo-yalists ng Daisy Siete.

* * *

MARAMI ang hindi naka-aalam, pero marami na ang nakapagtapos sa programa ni First Gentleman Arroyo para sa medical students na can't afford magtustos sa kanilang pag-aaral.

With FG's foundation, nagkakaroon ng chance ang mga poor but deserving students na maging doktor sa tulong ng foundation ni First Gentleman Mike. Oo nga't may ilang bumabatikos kay FG Mike, pero sigurado kami na tatanawing malaking utang na loob habang-buhay ng mga estudyanteng naging doktor through FG foundation dahil magandang kinabukasan ang naibigay sa kanila ng programang ito.

Para sa less fortunate stu-dents na interesadong ma-ging doktor, please log on to www. firstgentleman foundation. org. ph

* * *

FOR reactions, please e mail mediatouch2000@ yahoo. com.

Source: Taliba