|
|
| Si Bea ang Betty La FeaColumn: Footloose HUMATOL na ang taumbayan. Kumpirmado na ngang si Bea Alonzo ang aganap na Betty La Fea sa Pinoy version nito. Ang Betty La Fea (Ugly Betty) ayisang popular na telenobela na nagmula sa Columbia. Nilikha ito ni Mr. Fernando Gaitan at prinodyus ng Columbian Network na Radio Cadena Nacional (RCN). Umikot ang istorya kay Betty, isang 'di kaganda-hang babae na nagtatrabaho sa isang fashion design company. Mahigit sa 12 bersyon ng Betty La Fea ang nagawa sa buong mundo at na-dub sa iba't ibang lenggwahe. Naging usap-usapan ng mga tao kung sinong aktres ang pipiliin upang gumanap bilang loveable na Betty. Ngunit dahil sa perso-nalidad, husay at bukod tanging kagandahang panloob at panlabas, hindi nagdalawang isip na kunin ng ABS-CBN si Bea para sa role. Bongga, 'di ba? Tinalbugan niya ang iba pang mga pinagpilian para maging Betty La Fea like Anne Curtis, Toni Gonzaga, Ara Mina, Sarah Geronimo, Cristine Reyes at marami pang iba. Sa presscon ng ABS-CBN para sa announcement na si Bea ang gaganap na Betty, kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Bea. Aniya, nagbunga raw ang kanyang mga dasal. "I really prayed hard for this. Pero hindi naman ako masyadong nag-expect para 'di rin ako ma-hurt," kuwento pa niya. Hindi pa sinabi ni Tito Deo Endrinal kung sino ang tatlong leading men ni Bea sa programa. Surprise daw 'yon. * * * NGAYONG Biyernes (May 9) at bukas (May 10) ng gabi magaganap ang kontrobersyal na concert ng Coverboys sa Music Museum. Mapuno kaya nila ang venue. Excited ka-ming mapanood ang show dahil sa mga pahayag noon ng ibang miyembro ng Coverboys na meron silang ginawa sa show na para sa kanila ay sobrang daring. Nakaka-excite naman. Ano naman kaya 'yon, huh? Ang concert ay pinamagatang Cover Boys: UnCOVERed. Binubuo ang Coverboys ng mga guwapong members na sina Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Jon Avila, Victor Basa, Will Devaughn, Ron Morales, John James Uy at Marvin Raymundo. Ayon pa sa kanila, tutuparin nila sa gabi ng concert ang pinaka-maiinit na pantasya ng mga manonood. Maliban sa kanilang gagawing mga sexy and naughty numbers, makikita din dito ang tunay at"uncovered" na Cover Boys dahil mayroon silang steamy hot revelations! Kung ano ang hindi nakikita ng mga ma-nonood sa TV ang siyang makikita sa Music Museum na talagang hindi kayo aantukin! Kasama rin sa show sina Vice Ganda, Ethel Booba, John Lapus at Nikki Gil. Sponsors ng show ang Calayan, Bench, Activewhite at Metathione. Hatid ito ng ASAP Live at MJM Productions. Source: Taliba |