|
|
| Si Dingdong Dantes ang pinakaguwapo at pinakaseksi para kay Sunshine DizonAuthor: John Fontanilla AYON sa drama queen ng GMA-7 na si Sunshine Dizon, si Dingdong Dantes ang pinakaguwapo at pinaka-sexy sa lahat ng nakapareha niya sa telebisyon. Dagdag pa ni Sunshine, iba kasi ang dating ni Dingdong. Kaya naman daw pumasok ito sa top 3 ng Sexiest Men of the World. "Si Dong ( tawag ni Sunshine sa actor ) ang pinakaguwapo at pinakaseksing lalaki na nakatrabaho ko. Pero, hindi naman ibig sabihin 'di guwapo 'yong ibang nakasama ko. Kasi, hindi siguro papasok si Dong bilang top 3 Sexiest Man of the World, kung hindi siya sexy talaga 'di ba? Saad ni Sunshine nang makapanayam namin. Pero, tsika pa ni Sunshine, porke si Dingdong ang pinakaguwapo at pinaka-sexy para sa kanya ay gusto na niya itong maging boyfriend. "Malabo 'yon, kasi kapatid lang ang turing ko sa kanya. Close kasi 'yong family niya sa fa-mily ko," wika pa ni Sunshine. Wala din daw insidente na niligawan siya ni Dingdong, dahil sister din lang ang turing nito sa kanya. By the way, nakatakda nang gumiling ang kamera for the next soap ng award winning actress na may titulong All About Eve. At showing na rin ang pelikula na pinagtatambalan nila ng Philippine's original badboy na si Ro-bin Padilla, ang Sundo under GMA Films. Lalabas na rin ang naglalakihang billboards ni Sunshine para sa isang sikat na line ng damit as image model. * * * FOR the 2nd time around ay muling kinuha ng Ever Bilena ( Gandang Pinay ) ang serbisyo ng actress na si Francine Prieto para maging image model nila ngayong taon. Kinuha nila ulit si Francine para maging image model dahil napakaepektibo ng aktres as product endorser. * * * HABANG palapit nang palapit ang pagpapalabas ng Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment, ang When I Met U nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ay mas lalong dumarami ang nagiging excited na mapanood ito. Itinodo na raw ng da-lawang hottest young stars ng bansa ang kani-lang kakayahan para sa ikagaganda at ikakikilig ng fans sa kanilang 2nd mo-vie together. Kaya naman sa shooting pa lang daw nila sa Coron, Palawan ay marami na sa mga dumayo roon, para saksihan ang naturang shooting, ang nagpahayag ng interes na ma-panood sa mga sinehan ang When I Met U. Sa shooting, sa sob-rang sweetness ng dalawa sa isa`t isa todo-kilig daw talaga ang mga nano-nood. Pero, hindi lang ang mga taga-Palawan ang sobrang na-excite na mapanood sa sinehan ang When I Met U, dahil bu-ong bansa ay nag-aabang na rin nito. Source: Taliba |