Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Si Francine na ang Babaing Tuod

Si Francine na ang Babaing Tuod

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

May update kami sa inaabangang Darna na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Ang latest, napunta na raw kay Farncine Prieto ang role ng " Babaing Tuod " na unang napabalitang gagampanan ni Isabel Oli at napunta kay Krissa Mae.

Pero sabi ni Krissa Mae during the pictorial daw ng Darna ay sinabihan siyang ibang role na ang ibibigay sa kanya at ito ay ang role ng isang kumander.

Mas exciting daw at kaabang-abang ang bagong role ni Krissa Mae dahil maka-kasama nito ang kanyang nakagalit na ex-boyfriend na si Polo Ravales.

Tsika ni Krissa Mae, wala naman daw problema kung makasama niya si Polo dahil naka-move on na siya at trabaho naman daw ang pagsasamahan nila at walang personalan.

Pareho naman daw silang happy na sa kani-kanilang personal life kung saan balitang masaya na si Polo sa bagong showbiz girlfriend at happy naman si Krissa Mae sa special someone na si Jay R.

* * *

Mukhang hindi na mapipigil pa ang pagganda ng career ng Fragrance Of The Stars image model na si Sunshine Dizon sa hosting.

Bukod sa regular host siya sa SOP at sa Unang Hirit, ilang araw na rin itong napapanood sa 24 Oras.

Maraming manonood ang nakapansin na effective mag-host si Sunshine kaya naman sunud-sunod ang dating ng offers sa kanya para maging host.

Sa ngayon ay busy si Sunshine sa Dear Friendkasama sina Polo Ravales at Chynna Ortaleza.

* * *

Isa sa pinanonood sa primetime comedy show ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo ang young comedienne na si Chariz Solomon.

Click na click sa mga ma-nonood ang natural na pagiging komedyana nito sa show.

Kaya naman wiling-wili ang mga manonood at nag-aabang sa eksena ng sexy comedienne.

Maraming mensahe ka-ming natatanggap na bilib sila sa acting ni Chariz, tulad ni Tita Payang ng Chicago, USA, na naging habit na ang panonood ng Adik Sa 'Yo dahil kay Chariz.

Laughing trip naman daw ang hatid kay John Paul ng Los Angeles, California every time napapanood si Chariz sa Adik Sa 'Yo.

Kaya naman hindi lang sa Pilipinas hinahangaan ang beauty ni Chariz,dahil ma-ging sa ibang bansa ay bilib sa galing sa pagpapatawa ng young star.

Posibleng si Chariz ang pumalit sa trono ng mga magagaling nating comedianne!

* * *

Palabas na sa TV5 since last Sunday ang 30-minute alternative comedy program na Front Act.

Isa sa mga producers ng show ay ang anak ni Joey de Leon na si Jako at hosts sina Mike Unson and Stanley Chi ng guild of professional comic artists na Comedy Cartel.

Ibang klaseng humor na may taste ang hatid ng Front Act, featuring different topics and issues as well as prominent personalities presented in a light and comic point of view.

Back-to-back ang humor ng mag-amang Joey at Jako tuwing Linggo ng hapon sa Front Act at sa Wow Mali, bago ang family sitcom na Everybody Hapi.

Catch the one-of-a-kind humor ng Front Act with guests Mayor Ed Hagedorn and Ronaldo Valdez sa episode this Sunday, 5:30 pm sa TV5.

* * *

Maganda at may aral ang indie film na Ang Nerseri na pinagbibidahan ni Lance Raymundo at Jackylyn Jose na napanood namin ang July 24 screening sa Tanghalang Huseng Batute sa CCP, sa imbi-tasyon ng mabait at kaibi-gan naming manager ni Lance na si Charlotte Dianco.

Kakaibang Lance Ray-mundo ang napanood namin dito, at angat na angat ang galing bilang ng addict na si "Dean," isa sa mga anak ni Jacylyn.

Kaya to Lance at sa bumubuo ng Ang Nerseri, congrats!

Source: Taliba