|
|
| Si Lorna pa rin ang espesyal sa puso ni Rudy![]() Author: Abu Tilamzik Happy na raw si James Blanco sa kanyang bagong manager na si Arnold Vegafria. Sunud-sunod ang projects na gagawin ni James. Kasali siya sa Kutob na entry ng OctoArts sa Metro Manila Film Festival. May dalawang pelikula pa raw siyang gagawin sa Regal at nakatakda pa siyang umalis patungong Europe para sa isang mini-series na iti-tape niya roon. Guest pa siya sa concert ni Pops Fernandez sa Rome at Florence, Italy. Ayon kay James, maayos ang paghihiwalay nila ni Popoy Caritativo pero nang nakumpirmang si Arnold na ang magma-manage sa kanya, hindi na raw siya kinausap ni Popoy. Gusto raw sana niyang mapanatiling magkaibigan sila ng dating manager, pero mukhang galit pa rin ito sa kanya kaya hindi pa rin sila nag-uusap. Isa si Danica Sotto sa nagpapaligaya ngayon kay James pero ayaw raw niyang sabihing sila na. Iba na raw ang friendship nila ngayon. Madalas silang nagkikita at nagkakausap pero ayaw niyang sabihing nagkadebelopan at baka maudlot pa raw. Isa si Danica sa makakasama ni James sa Europe kaya pwedeng doon na ma-develop. *** Malaman ang pahayag ni Lorna Tolentino sa kanyang sagot sa isang tanong sa talakathon sa Startalk kung totoong hiwalay na sila ni Rudy Fernandez. Heto ang sagot ni LT sa tanong na iyun: "Oo. Hiwalay kamihanggang September 18 dahil nasa Amerika siya ngayon kasama si Sen. Jinggoy Estrada at may inaayos sila roon na negosyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers. "Ngayon, sa taong gusto kaming paghiwalayin, sorry na lang dahil kahit magtago man kayo sa may lababo sa bintana, at may specialty man kayo na niluluto, ako pa rin ang espesyal sa puso ni Rudy. Sorry na lang!" Malalim ang ibig sabihin sa mga sagot na iyun ni LT, pero minabuti niyang huwag nang pahabain pa at gawing isyu ito dahil okay na okay raw silang mag-asawa at ibang level na raw ang kanilang pagsasama na kahit ano pang darating na problema o pabigat, walang sino mang pwedeng sumira nun. Halos isang taon nang co-host si LT sa Startalk at tuluy-tuloy na ito, kaya maganda ang inihanda ng naturang talk show para kay LT at sa ilang host sa nalalapit na anibersaryo nito. Sa October ay sampung taon na ang Startalk at abangan ang malaking selebrasyon at pasabog ng talk show na ito sa anniversary episode nito. *** Narito ang overnight ratings nung nakaraang weekend BIYERNES: 101 Proposal7% vs. Mobile Kusina 11.4%; Rubi 17% vs. BeautifulDays 21%; Game Ka Na Ba19.4% vs. Eat Bulaga 26.8%; Wowowee 18% vs. Daisy Siete 21.7%; Kapamilya Cinema 12.9% vs. Kung Mamahalin Mo Lang Ako 18.7% at Now and Forever 17.1%; Pasionde Amor 10% at MeteorGarden 14.3% vs. All For Love 17.1%; TVPatrolWorld 21.5% vs. 24 Oras 28.4%; Mga Anghel na Walang Langit 25.6% vs. Extra Challenge 33.7%; Ikaw ang Lahat sa Akin 26.3% vs. Darna 39.5%; Kampanerang Kuba 25.4% vs.Encantadia 42.3%; Pinoy Big Brother 24.9% vs. Sugo 37.6%; Green Rose22.4% vs. Attic Cat 35.3%; 24 (dubbed)9.6% vs. Bubble Gang 20.6% SABADO: Game Ka Na Ba16.4% at Wowowee 16.6% vs. Eat Bulaga 25.9%; ETK 8.6% vs. Startalk 14.3%; CloseUp To Fame 4.3% vs. Wish Ko Lang 17.9%; Nginiiig8.5%vs. Wag Kukurap 20.6%; My Juan and Only 13.3% vs. Pinoy Pop Superstar 32.3%; Quizon Avenue 17.9% vs. Bitoys Funniest Video 34.4%; TVPatrolWorld 20.8% vs. Kapamilya Mo Jessica Soho 28.9%; Magandang Gabi Bayan 23.3% vs. Imbestigador 27.7%; Pinoy Big Brother 23.9% at Sabado Movie Greats 11.3% vs. Hokus Pokus 15.5%; SportsUnlimited 4.3% vs. Showbiz Stripped 8.9%. LINGGO: ASAP 10.3% vs. SOP 12.1%; ASAP Fanatics8% vs. SOP Gigsters 15.1%; Qpids 6.6% vs. Love to Love 15.9%; The Buzz13.3% vs. S Files 16.1%; Goin Bulilit 15.9% vs. Mahiwagang Baul 30.4%; Search for the Star in a Million 16.2% vs. Mel and Joey 27.9%; TV Patrol World 22.8% vs. All Star K 26.1%; Rated K 22.3% vs. Daddy Di Do Du 20.8%. Source: Abante Tonite |