Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sid Lucero wishes to stay with GMA-7 longer even after Amaya

Sid Lucero on being with the Kapuso network: "I enjoy the way GMA has received me as a...yung treatment, ibang klase talaga. In fact, ako yung nahihiya minsan. And I really wish to stay as much as possible. Sa totoo lang, dito ako ipinanganak, e. Tapos tu

Author: Rommel Gonzales

Dahil sa mga papuri ni Sid Lucero sa co-star niya sa Amaya na si Marian Rivera, biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na parang nai-in love na siya kay Marian.

Pero aniya, "In love ako sa process niya, sa pagiging artista niya, sa pagka-artista niya."

At hindi rin daw dapat sila dapat i-link ng isa pa nilang kasama sa show na si Glaiza de Castro.

Lately kasi ay nabibigyan ng kulay ang closeness nina Sid at Glaiza.

Tumawa muna si Sid bago sinabing, "Kasi sa industriya natin, bawal yata maging magkaibigan ang babae at saka lalake, e.

"Grabe naman! I'm what? I'm almost 30 already, hanggang ngayon ganun pa rin ang mga issues.

"Hindi, para sa akin, it's part of the job and then... I don't really care because she's my friend and she'll always be my friend.

"She's my little sister, lahat ng mga roles namin, lagi ko siyang kapatid.

"And her brother is a very, very, very, very, very respectable actor for me--isa sa mga idols ko rin ang kapatid niya."

Ang tinutukoy ni Sid ay ang ang indie actor na si Alchris Galura.

"So, para sa akin, iyon, na-misinterpret siguro yung pagkakaibigan namin," dagdag pa ni Sid.

LAST PROJECT IN GMA-7? Ang Amaya na ba ang last project ni Sid sa GMA-7? Babalik na ba siya sa ABS-CBN pagkatapos nito?

"I hope not!" sambit niya.

"I enjoy the way GMA has received me as a...yung treatment, ibang klase talaga.

"In fact, ako yung nahihiya minsan.

"And I really wish to stay as much as possible.

"Sa totoo lang, dito ako ipinanganak, e. Tapos tumanda ako sa kabila [ABS-CBN]."

Sa Kapuso network kasi nagsimula si Sid--una ang Narito ang Puso na sinundan ng Hanggang Kailan.

Lumabas din siya sa Darna at Etheria.

At ngayon ay per show ang kontrata niya sa Kapuso network

Source: Philippine Entertainment Portal