Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sikat na aktor tumanggi sa offer na condo ng bakla

Isang malapit kay Kristine Hermosa ang nagbalita sa amin na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na umano ngayon.   Although nali-link na ang dalawa, wala pa ring pag-amin na nagmumula sa dalawa laluna sa kapareha ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote 4 n...

 

Sikat na aktor tumanggi sa offer na condo ng bakla

Column: Rated A
Author: Aster Amoyo

Isang malapit kay Kristine Hermosa ang nagbalita sa amin na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na umano ngayon.   Although nali-link na ang dalawa, wala pa ring pag-amin na nagmumula sa dalawa laluna sa kapareha ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote 4 na nagsasabing magkaibigan at magkabarkada lamang sila ni Oyo.

 Talagang wala na umanong ugnayan ngayon sina Kristine at dati nitong mister (?) na si Diether Ocampo kaya malayang nakakalabas ngayon si Tintin (Kristine) with Oyo.   Wala naman kaming nababalitaan pa na may ibang girl na dini-date si Diet. O baka naman masikreto lang ito?

 Pagdating naman sa ama ni Oyo na si Vic, wala umano siyang alam pagdating kina Oyo at Tintin dahil wala naman sinasabi sa kanya ang kanyang binata. Pero if ever daw na totoo ang mga napapa­balita na sina Oyo at Tintin na nga, wala umanong magiging problema sa kanya.   Never naman daw siyang nakialam sa lovelife ng mga anak niya in the same manner na hindi rin nakikialam ang kanyang mga anak pagdating sa kanyang lovelife. Pero kapag kinailangan  ang kanyang payo, nari­yan lamang siya.

 Samantala, excited na si Vic na maging lolo dahil buntis ngayon ang kanyang panganay na si Danica Sotto-Pingris.

 Kay Vic pa rin, marami ang naniniwala na sa taong 2008 na magpapakasal sina Vic at girlfriend nitong si Pia Guanio.

* * *

Malungkot ang actress na si Beverly Vergel nitong nakaraang Pasko dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang nakakatandang kapatid, ang original Bad Boy ng Philippine Movies na si Ace Vergel na sumaka­bilang buhay ilang araw bago sumapit ang Pasko.

Nagkaroon man ng problema noon ang magka­patid, naging extra close naman ang dalawa matapos sumakabilang buhay ang kanilang mga magulang, ang veteran actress na si Alicia Vergel at veteran actor na si Cesar Ramirez.

Inamin sa amin ni Bev na marami umanong problemang personal ang kanyang kuya na siyang naging dahilan ng maaga nitong pagpanaw.

Samantala, sinabi ni Direk Willy Milan, nagdirek kay Ace sa pelikulang Anak ng Cabron na siyang nakapag­bigay ng tatlong best actor trophy sa yumaong aktor na nagkausap umano sila ng namayapang actor isang buwan bago ito pumanaw.   Nagplano umano sila ng isang proyekto na pagbibidahan at pagsasamahan sana nina Ace at Robin Padilla pero bago pa man ito maisakatuparan ay sumakabilang-buhay si Alas (Ace) na isa sa pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon.

Hindi man natupad ang pagsasama sa iisang pelikula nina Ace at Robin, pangarap ni Direk Willy na isapelikula ang buhay ni Alas at si Robin ang magbibida.

* * *

Isang sikat na aktor ang inalok ng isang mamahaling condo unit  at kung anu-ano pa ng isang prominent gay businessman pero hindi nasilaw ang aktor.   Bakit nga naman niya tatanggapin ang alok ng mayamang  gay businessman kung kumikita naman siya ng maganda bilang actor, recording star at product endorser?

Pero kung nagkataong jobless ang sikat na aktor, tiyak na hindi niya tatanggihan ang tempting offer ng kilalang gay businessman na kilala sa pagiging generous in so many ways sa kanyang nakakarelasyon.

* * *

Dahil sa ongoing network war ng dalawang giant TV networks, malamang na maipit si Ara Mina. Option ng GMA management na alisin siya sa Bubble Gang  at hindi siya magiging malaking kawalan sa programa dahil sina Michael V. at Ogie Alcasid ang nagdadala ng programa.   Sana lamang ay huwag mawala si Ara sa Bubble Gang dahil malaking kawalan din ito sa kanya bukod pa siyempre sa mahal niya ang programa at mga kasama niya rito.

* * *

a_amoyo@pimsi. net

Source: The Philippine Star