|
|
| Sikat na aktres nagpapanggap lang na sweetAuthor: Emy Abuan Ngayon kami naniniwala na plastikada ang sikat na aktres na nalalagay ngayon sa intriga. Sabi nga ng aking source na isa ring kolumnista, akala niya ay super sweet ng aktres na ito kapag nasa harap ng kamera ay panay ang ngiti pero supladita kapag off camera na. Nainterbyu kasi ito ng isang male writer sa taping ng pelikula kasama ang photographer nila para sa isang glossy mag. Aprubado naman ito ng manager kahit pa ang aktres. "Nang dumating kami sa location ay natutulog siya kaya ginising ng staff para sabihing naro'n na kami for interview at pictorial. Narinig ko na parang naiinis ang aktres at nagrereklamo dahil nasira ang tulog kaya nang humarap sa amin ay ni hindi ngumingiti. Sinabihan pa nga siya ng photographer na ngumiti habang pinipiktoryal. Hanggang sa umalis kami ay wala kang makikitang sweetness sa kanya," anang writer. Idinagdag pa nito na 'di pala totoo ang sweetness nito kung saan may pagkapalengkera pa rin lalo na kapag napapaaway. * * * Huli naming nakita sina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa celebrity screening ng Indiana Jones at sweet na sweet sila. Kaya nang mabasa ko sa isang tabloid (hindi amin) na balak ipa-annul ni Sunshine ang kasal kay Cesar ay nagtaka kami. Nasasaktan ang aktres dahil pakiramdam niya ay hindi siya kayang protektahan ng asawa laban sa paninira ng mga kamag-anak nito. Tinext ko uli si Buboy para sa screening ng Kung Fu Panda at sumagot naman ito at sinabing dadalo siya kasama si Shine at mga anak. Pero hindi sila nakadalo tulad ng inaasahan. May problema kaya ang mag-asawa? Tanong ng mga kapatid sa hanapbuhay. Iisa ang komento ng press at sinabing baka gimik lang ito para sila pag-usapan gayunpaman naniniwala sila na dapat ipaglaban ni Shine ang karapatan bilang asawa ni Buboy at dahil inaming mahal niya ang kanyang mister ay hindi siya dapat maduwag sa paninira at huwag hayaang mabuwag ang kanilang pagsasama ng asawa at mga lumalaking mga anak. * * * Ang ganda-ganda ngayon ni Valerie Concepcion pero inaming loveless siya at ang anak pa rin ang nagbibigay inspirasyon sa buhay. Maganda ang takbo ng kanyang career kaya sinasamantala niya para sa magandang kinabukasan ni Fiona na tatlong taong gulang na. May offer kay Val para sa isang pelikula na ilalahok sa Metro Manila Film Festival at may bago siyang commercial na energy drink na ilulunsad sa buwang ito. May nakalinyang TV show ang aktres kaya abala siya bukod pa sa pagiging mainstay co-host sa Star-studded ang VIP screening ng Kung Fu Panda na idinaos sa IMAX noong Huwebes. Naroon ang Goin' Bulilit ng Dos, Derek Ramsay at Angelica Panganiban, Gelli de Belen, Ariel Rivera kasama ang dalawa nilang anak, Angelu de Leon, Bobby Yan, BJ Forbes, Makisig Morales, Maria Isabel Lopez at Mara kaya punung-puno ng mga bata. Naroon siyempre si Sam Concepcion na umawit ng theme song ng Kung Fu Panda para sa Dreamworks. Tiyak na magiging international singer na ito dahil papunta siyang Amerika sa June 15 at may offer mula sa producer ng High School Musical 3 kung saan isasama siya sa cast ng Hollywood movie. Sa kabilang banda, palabas na ngayon ang Kung Fu Panda sa inyong mga paboritong sinehan mula sa Solar-UIP. * * * PERSONAL: Taos-pusong pakikiramay kay Rowena Agilada at pamilya sa pagpanaw ng kapatid na si Dr. Rolando Agilada. Source: The Philippine Star |