|
|
| Silent war nina Alessandra de Rossi, Toni Gonzaga patuloy![]() Author: Chan-Chan Torres NAKAUSAP namin ang Star Magic talent na si Nina Dolino (who turned 26 years old last Oct. 26) sa presscon ng Star Magic for its October birthday celebrators. Game si Nina sa pagsagot sa intrigang namagitan sa kanila noon ni Mickey Ferriols. Mata-tandaang na-link sina Ni-na at Archie Alemania noon, ito ang ikina-react ni Mickey. Nagkaroon daw ng pagkakataon na magkita sina Nina at Mickey. At first, nailang pa raw si Nina. Aminado ang TV host, hindi siya na-ging kumportable sa pagkikita nilang âyon. âYou know, Mickey was nice enough to approach me and say na kung anuman ang nangyari in the past eh, kalimutan na raw namin âyon. No, walang sugurang nangyari gaya ng mga lumabas before,â wika ni Nina. Kahit nali-link si Nina sa guys na taken na, hindi naman niya ipinagkakailang may boyfriend siya. Isang modelo raw ang BF niya. As in commercial model. Ang latest daw na commercial ng boylet niya ay Sunsilk. Sabi pa niya, matanda na ang BF niya, pero may âasimâ pa. Ewan daw niya pero, ang gusto niyang boyfriend ay âyong tipong puwede nang matawag na DOM. Five years and seven months na sila ng kanyang boylet. Kasama rin si Nina sa Pieta bilang si Jessa na kapatid ni Jason Abalos sa soap. Obsessed daw kay Rigor (played by Ryan Agoncillo) ang ka-rakter ni Jessa rito. In fact, may kissing scene sila rito ni Ryan. Kumusta namang humalik ni Ryan? âOkey naman po. Eh, ang gusto pa nga ni Di-rek Toto (Natividad), magkaroon kami ng love scene ni Ryan. â Umabot daw sa four takes ang kissing scene nila ni Ryan sa Pieta, at lasang-lasa raw niya ang sarap ng lips ng boyfriend ni Juday. * * * HOW true itong aming nabalitaan na hanggang ngayon, may isyu pa as in, âsilent warâ sa pagitan nina Alessandra de Rossi at Toni Gonzaga? Hanggang ngayon, hindi pa raw limot ni Alex na minsan ay na-link si Toni sa lalaking minahal din niya, si Jeremy Marquez. Though on-and-off ang relasyon nina Alex at Jeremy that time. Hayun, super dedmahan daw ang dalawa nang magkasalubong sa Wowowee kung saan naging co-host pansamantala si Alex dahil na-sa abroad si Pokwang. Lola gagahasain, pero ililigtas siya ni Facundo HINDI kami magtataka kung after two years, ga-nap nang solo star si JC de Vera. Ang husay niya. Napapanood namin siya sa TV at talagang bilib kami sa appeal at talento niya. Lalo sa bagong soap sa GMA-7, ang LaLola na pinagtatambalan nila ni Rhian Ramos. Samantala sa LaLola this Friday, may magtatangkang gumahasa kay Lola pero isi-save siya ni JC na gumaganap bilang si Facundo, ang love interest ni Lola. Source: Taliba |