Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sina KC at Lino pa rin?

In fairness, nakikisabay ang Sharon sa Oprah o Ellen para mapanood ng sambayanang Pinoy ang sinasabing phenomenal young diva na si Charice Pempengco. Yezzzz, sa episode ng Sharon ngayong Linggo titled World-Class Talents, hindi lang ipamamalas ni Char...

 

Sina KC at Lino pa rin?

Column: Tell & Tell
Author: Nel Alejandrino

In fairness, nakikisabay ang Sharon sa Oprah o Ellen para mapanood ng sambayanang Pinoy ang sinasabing phenomenal young diva na si Charice Pempengco.

Yezzzz, sa episode ng Sharon ngayong Linggo titled World-Class Talents, hindi lang ipamamalas ni Charice ang singing voice to the highest level, kundi ilang minuto rin siyang makakatsikahan ni Megastar.

At hindi lang si Charice, kundi pati na rin si Lea Salonga at ang hip hop dancers na nanalo ng gold medal sa Second International Hip Hop Open sa Torino, Italy. Yezzz, ilan lamang sila sa maituturing at maipagmamalaki nating mga Pinoy na belong sa world-class talents.

Kaya nga si KC Concepcion, umapir sa taping ng Sharon last Monday dahil super idol pala nito si Lea at pagkatapos nga nitong makatsikahan ang Lea ay umalis ito sa studio para naman sa dinner date niya with biological father Gabby Concepcion, na andun din sa vicinity ng ABS-CBN waiting sa tinatawag niyang "my baby. "

Tuloy, parang ang drama ng mag-ex na dyowang Sharon-Gabby that night ay. .. so near yet so far, tsuk!

And speaking of KC, naku, ayan ka na naman, Lolit Solis, ha! Sigurado ka bang si Direk Lino Cayetano ang nakausap mo at sinabi sa iyong sila pa rin ni KC?

Baka naman isang impositor 'yon, 'di kaya? Kasi, ang alam namin dito kay Direk Lino ay ang tipong hindi umaamin at laging iwas-pusoy kapag lovelife na niya ang natatanong namin sa ilang presscon noon sa ABS-CBN.

Eh, siguro nga napalitan na ng grado ang salamin sa mata ni La Lolita at hindi na siya namalikmata. Yeah, what do you think Papa Piolo (Pascual) and Papa Sam (Milby)?

Hayyy, mabuti na lang at all's well that ends well na kina Lolit, Vero Samio, Sam at Piolo.

Nasulat kasi nitong si Ateng Lolit sa isa sa mga kolum niya na nagkita raw sila ni Direk Lino at nagkausap. Tapos, 'yon nga, nasabi raw kay Lolit nitong si Direk Lino na sila pa rin ni KC.

Sey mo, Bianca Gonzales?

* * *

Pihadong riot ang Wheel of Fortune sa Monday dahil ang mga guest player ni Kris Aquino ay sina Ate Glow, Ate Gay at si Atak.

Sino kaya sa tatlong itech ang "aatakehin" kapag nanalo ng isang brand new car or milyun-milyong piso?

Alamin namin, panoorin ang WOF sa Primetime Bida ng Dos.

* * *

NABAWASAN na naman ng isang teen housemate last Sabado night ang PBBTE Plus. Lima na ang na-evict na housemates with matching guardians on the side.

So, siyam na lang ang natitirang teen housemates sa Bahay ni Kuya. Kaya, tutukan n'yo lang everyday kung sinex sa natitirang housemates ang magiging PBBTE Plus big winner, okidoki?

Source: People's Tonight