Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sinalubong ng mga problema

Author: Master Showman Kuya Germs
Column: Thats Entertainment

Talk of the town ang walang kaabug-abog na pagdating ni Gabby Concepcion noong madaling araw ng Linggo. In fairness, nagdagdag lang ng konting maturity sa mukha si Gabby pero napakaguwapo pa rin niya. Male version ng kanyang mabilis na sumisikat na anak.

Ngayon ko lang na-realize, talaga palang magkamukha sila ni KC, parang naghiraman lamang ng mukha, one is the older/younger version of the other.

Pinutakti ng mga katanungan ang aktor pero straight siyang magbigay ng sagot, walang paliguy-ligoy. Bagaman at ang dami-daming trabahong nakalinya para sa kanya, sinabi niyang kailangan niyang bumalik agad sa US dahil may mga trabaho siyang naghihintay dun.

Nung makausap ko siya sa US, akala ko totoo na niyang tinalikdan ang showbiz. Pero, naniniwala akong tumatakbo ang pagiging artista sa kanyang dugo. Maski na sa US, kahit matagumpay na siya, ay kumakanta-kanta pa rin siya. I also remember na tinanggap niya ang offer ng GMA para gumawa ng movie, pero dun sa US gagawin. Kaya nga pinghahandaan na ito ng GMA nang walang kaabug-abog siyang dumating. Again, in fairness to him, sinabi niyang may commitment siya sa Kapuso Network.

Kung may isang haping- happy sa pagbabalik niya, it's KC, biruin mo, makakasama niya ang ama sa birthday niya.

Pero, happy ba si Sharon (Cuneta) sa mga nagaganap? Wala siyang sinabi tungkol sa pagpayag ni Gabby na magkasama sila sa movie. Pero, welcome sa kanya ang movie with KC. Maski naman si KC gusto mas mauna silang magsama sa pelikula ni Sharon. Sayang at nag-abroad ito, the press will have to wait for her return para malaman ang reaction niya sa pagso-sorry sa kanilang mag-ina.

Kung ako si Sharon, sasamantalahin ko na lang ang pagpapayag ni Gabby na makasama silang mag-ina sa pelikula. Bakit hindi na lang siya ang mag-produce ng movie nilang tatlo? Kung sa mga nauna niyang projects ay hindi siya kumita, I'm sure dito babawi siya. She will make everybody happy, KC, the fans, especially hers, the press, everybody!

* * *

Masaya 'yong selebrasyon ng anibersaryo ng  Mowelfund. Dumalo at nakisaya sa mga miyembro ang founder nito at dating pangulo ng bansa na si Joseph Estrada. Dumalo rin sina Chairman Laguardia ng MTRCB, MMDA Chairman Bayani Fernando, Manay Marichu Maceda at marami pang iba. 

Nagpapasalamat ako sa pagpapahalagang ibinibigay sa akin ng Mowefund dahil lamang sa Paradise of Stars  na inilagay ko dun. Nagpapasalamat nga pala ako sa pangulo ng GMA na si Atty. Felipe Gozon. Nag-donate ito ng mga 64 standees, yung mga nakatayong malalaking larawan ng mga artista na kadalasan ay nakikita sa mga sinehan. Nanghingi rin ako sa ABS-CBN pero wala pang sagot. Makatutulong ito para mas mapaganda pa ang Paradise of Stars. Nasabi ko na sa inyo na si Robin Padilla ang magpapagawa ng rebulto ni Da King (FPJ), di ba?

Source: The Philippine Star