Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Singer Karylle also into hip hop dancing

Singer Karylle also into hip hop dancing

Author: Trina Lagura
Column: Entertainment

Kung may isang artista na mahusay manudyo, ito ay walang iba kundi si Vhong Navarro.

Bukod sa magaling magpatawa ay maaasahan din siya sa pambubuko ng mga katotohanan sa show business.

Halimbawa'y nang mag-emcee siya sa grand finals ng Dunkin Donuts Icy Coolers Dance Dunkdown sa Music Hall ng Mall of Asia sa Pasay City kamakailan.

Pagkatapos kumanta ni Karylle ng mga awitin ni Beyonce Knowles ay sumama sa kanya sa entablado si Navarro. Nag-kumustahan sila at nagbiruan.

Gayunman, hindi pinalagpas ni Navarro na bistuhin si Karylle.

"Ako nga pala si Jericho," pahayag ni Navarro patungkol kay Jericho "Echo" Rosales.

Malakas ang bulung-bulungan na may namamagitan nang relasyon kina Karylle at Rosales.

Sa panayam ng mga movie press kay Karylle, sinabi niyang walang espesyal na relayon na namamagitan sa kanila ni Echo. Magkaibigan lang anya sila ng aktor at magkasama sa trabaho lalo na at nasa ABS-CBN na rin siya.

Kung nakikita man anya sila ni Echo na magkasama ay dahil sa trabaho at hindi sa mga personal na bagay.

Halos sabay nakipaghiwalay sa kani-kanilang kasintahan sina Karylle at Rosales. Si Karylle ay nakipag-break kay Dingdong Dantes at si Rosales naman ay nakipagkalas kay Heart Evangelista noong huling bahagi ng 2008.

Samantala, inamin ni Karylle na nang siya ay nasa mataas na paraalan pa sa Poveda ay sumasama at sumasayaw siya ng hip hop.

"Masaya ang hip hop. I enjoyed it so much," pahayag ni Karylle.

Ipinagmamalaki niya ang mga kabataan na imbes na malulong sa droga at iba pang krimen ay ang pagsayaw ang pinagtutuunan ng pansin.

Si Sam Concepcion ang naglunsad ng paligsahan at nagpamalas din ng kanyang kakaibang estilo sa hip hop si Navarro kasama ang orihinal niyang grupo na Streetboys.

Nasa Top 2 ng timpalak sa kids division ang Dance Full Kids ng Bacolod City at Experience Kids ng General Santos City samantalang nasa Top 2 naman ng young adults category ang Next Block Crew ng Butuan City at Batang Mama ng National Capital Region.

Source: ABS-CBN News