Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Singer, inireklamo ng mga kagrupo

Author: Nitz Miralles

Pinagharap-harap ang grupo ng singers na may problema sa isa nilang member na ayaw sumamang mag-rehearse kahit malapit na ang concert nila. Puyat daw siya sa gabi-gabing gig. Katuwiran ng iba, sila man ay may gig, pero nakakapag-rehearse pa rin.

Inereklamo rin ng grupo ang paglayo ng singer sa kanila. Iisa ang dressing room nila sa network kung saan magkakasama sila sa isang show, pero sa banyo naglalagi ang singer na walang nakakausap.

Idinaan na lang sa biro ng isang nagrereklamo na 'di sila maka-ihi dahil inangkin ng singer ang banyo. Nag-promise ang singer na isi-share na ang banyo sa mga kasama at makikihalubilo na.

* * *

Showing pa rin sa mga sinehan ang LOL o Love On Line nina Vic Sotto at Paula Taylor at tinitiyak naming walang lalabas ng sinehang hindi natawa sa pakuwela nina Vic at Jose Manalo.

Iba talaga ang tandem ng dalawa, swak na swak sa delivery ng punchline at dagdag na nakakatawa si Manilyn Reynes na sa pelikula lang uli nabigyan ng importanteng role.

Napapanahon ang tema ng pelikula at ipakikita na posibleng magka-inlaban ang mga nagkakakilala lang sa chat room. Kaya nauso at marami ang nagkakainteres sa Internet datings. Para maiba sa mga horror stories na ating nababasa at napapanood, comedy ang ginamit ni direk Tony Reyes na talaga namang kuwela.

Prodyus ang LOL ng M-Zet TV ni Vic, OctoArts Films ni Orly Ilacad at APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera at kasama rin sa cast sina Melissa Ricks, Matt Evans at Gina Pareño.

* * *

Sina John Prats at BJ Forbes ang bida sa sitcom ng TV5 na Moomoo & Me sa direksyon ni Soxie Topacio at magpa-pilot sa September 10, 8pm. Friendly ghost ang role rito ni John at si BJ ang batang nakakakita sa kanya. Kahit ngayon lang nagkatrabaho ang dalawa'y agad naging magkaibigan at 'di uso sa kanila ang network wars.

Walang project sa GMA-7 si BJ nang mawala ang Ful Haus, pero hindi siya nalungkot dahil dalawa ang shows niya sa TV5, itong Moomoo & Me at Toogs at may school pa siya. Grade Six ang bagets sa Angelicum College at gusto'y maging scientist at makasakay sa spaceship.

ABS-CBN talents si John at kinuwentong maraming meetings ang naganap between Channel 2 mamagement and his manager bago siya pinayagang gawin ang sitcom. Wala raw naman siyang regular show sa home network niya at mabuti itong may show siya. Ang takot ni John, baka i-pull-out siya sa sitcom kung kailan nag-i-enjoy na siya at mataas ang ratings.

Sa mga nagtatanong kung maggi-guest ang GF niyang si Shaina Magdayao sa sitcom, sabi ni John, depende kung papayagan ito ng Star Magic, pero gusto niya sana.

* * *

Maganda ang ratings ng first week ng Karibal episode ng Dear Friend at dahil maganda ang istorya, magugustuhan ng viewers ang natitirang three weeks ng series.

Sa istorya mamaya, sa sobrang selosa ni Cheska (Jennylyn Mercado), nakipag-break siya kay Darrell (Wendell Ramos) at akala'y hahabulin siya nito. Hindi inaasahang naging malapit sina Darrell at Claire (Jean Garcia) dahil mas nakakapag-usap sila ng seryoso at maayos.

Hindi maamin ni Claire na may feelings siya kay Darrell na vocal naman na mahal niya ang ina ng dating nobya. Hanggang kailan niya pipigilan ang sarili at paano kung malaman ni Cheska ang nangyayari sa ina at sa ex-BF? Mula ito sa direksyon ni Andoy Ranay.

* * *

Kai-interview lang namin kay Kevin Santos sa taping ng Darna, the next day, sa presscon ng Show Me Da Manny naman namin siya nakita. Thankful si Kevin sa manager niyang si Joe Barrameda na masipag maghanap ng project, kaya lagi siyang may trabaho.

Sa Darna, Ignoy ang pangalan ni Kevin at manliligaw siya ni Aleli (Roxanne Barcelo) at sa sitcom, siya si Chris Brawner na may gusto kay Hannah Montano (Lovi Poe). Naguluhan lang kami kay Kevin sa sinabing gusto niyang ka-love team si Lovi, pero type maging leading lady ang mga gaya ni Carla Abellana na baguhay para sabay silang umangat. Ano ba talaga?

* * *

Naurong sa August 26, ang premier showing ng Ligtas Kalikasan, ang 25 minutes full feature animation na magpapakita sa nagagawang destruction ng nature at kung anong tulong ang magagawa ng mamamayan para iligtas ang environment. Sa Cinema 1 ng Shang Cineplex, 10:30 am. , ang showing na dapat mapanood ng marami.

Kaugnay nito, isinusulong pa rin ni Sen. Loren ang paggamit ng cleaner at greener energy sources kalapit ng coal na mabagsik na fuel source na marami ang namamatay. Pero, kailan kaya pakikinggan ang senador sa kanyang panawagan?

Source: People's Tonight