|
|
| Singer, sumobra ang nose jobAuthor: Nitz Miralles Natawa kami sa obserbasyon ng ilang viewers na sumobra ang nose job ng isang singer dahil mas tumangos pa ang ilong nito kesa mga Amerikano. Nag-iba raw tuloy ang hitsura ng singer, lumayo sa dati niyang mukha kaya halatang-halatang ipinagawa ang ilong. Tanong pa ng viewers, hindi ba nananalamin ang singer at 'di napansing ibang-iba na ang hitsura niya o talagang sinadyang ilong-Amerikano ang ipagawa para mas madali siyang magustuhan ng mga Kano dahil madalas siyang mag-show sa Amerika? Kaso, mahahalata pa ring Pinay siya dahil sa kanyang kulay. * * * Ayaw munang mag-isip ng next project si Jomari Yllana after Rosalinda and Celebrity Duets 3 dahil gusto munang magpahinga. Parehong November ang ending ng dalawang shows, kaya buong December, magpapahinga siya para fresh-looking sa January. Sa Camsur gustong magbakasyon ni Jomari kasama ang anak na si Andrei na lagi niyang kasama 'pag umaalis. Ang ikinatutuwa ni Jomari, napatunayan niyang kaya niyang kumanta sa Celebrity Duets 3 at sa reaction ng viewers ng Rosalinda na 'di alam kung magagalit o matutuwa sa kanya na balakid siya sa relasyon nina Rosalinda at Fernando Jose. Kinumusta namin ang negosasyon ng Fearless Productions sa Black Eyed Peas na kukunin sana nila for a concert in November. Hinihintay pa rin daw nila ang availability ng grupo at kung matuloy, baka ma-move to another date. Samantala sa Rosalinda, mag-aaway sina Rosalinda at Fernando Jose dahil kay Alex (Jomari) at papiliiin ng lalaki ang asawa sa kanila ni Alex, pero makikipagbati rin ito kay Rosalinda. Makikilala ni Florencio (Roderick Paulate) si Veronica (Jackielou Blanco) na malaki ang kinalaman kay Fernando Jose. * * * Para kay Ruffa Gutierrez, very timely ang Ukay-Ukay episode nila ni Zoren Legaspi sa Shake, Rattle & Roll XI dahil lahat ay nagtitipid. Ang karakter niyang si Kyla ay mahilig sa ukay-ukay at pati wedding gown, sa ukay-ukay binili. Isang vintage wedding gown ang kanyang nabili at dito rin nagsimula ang gulo at kamalasan sa relasyon nila ni Harold (Zoren Legaspi). Sa mga nakakatakot na eksenang ginawa sa nasabing episode, sabi ni Ruffa, magpapagawa na lang siya ng bagong wedding gown kesa magtipid para walang spirit na maghahabol. Naalala tuloy niya ang wedding gown nang ikasal sila ni Yilmaz Bektas na 'di alam kung saan niya inilagay, pero baka raw nasa bahay nila sa Istanbul, Turkey. Matagal din siyang nanirahan sa Istanbul, ano ang nami-miss niya sa place ni Yilmaz? "Friends ko roon, family ni Yilmaz, but we still keep in touch. Alam kong mahal pa nila ako, kaya ayokong gumawa ng bagay-bagay na makaka-offend sa kanila," wika ni Ruffa. * * * NGAYONG Biyernes sa Stairway to Heaven, magi-guilty si Jenna (Rhian Ramos), kaya biglang yayayaing magpakasal si Charlie (TJ Trinidad). Magugulat si Cholo (Dingdong Dantes) sa balitang ikakasal na ang dalawa. Malalasing si Charlie bago ang araw ng kasal nila ni Jenna, tanghali na siya nagising, nasa huwes na ang lahat at siya na lang ang hinihintay ni Jenna. Sa halip na si Charlie, si Cholo ang darating sa araw ng kasal ni Jenna. Source: People's Tonight |