Apr 16
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Singer-actor Jay-R turns band manager

"I've provided them a studio. Siya po at yung mga kaibigan niya, I provided them a studio in the back, aside from my studio ko po. Sa ngayon, nagre-record sila ng mga bagong kanta. At ang gaganda ng mga kanta. Bilib na bilib po ako sa pamangkin ko. Paglab

Author: Rose Garcia

Napaka-personal ng dating ng bagong Christmas album ni Jay-R, ang Holiday of Love, na siya mismo ang nag-remix at nag-remaster sa kanyang sariling recording studio, ang Homeworkz Records Label.

Inamin din ni Jay-R na ang Holiday of Love ay repackaged edition ng una niyang Christmas album na Christmas Away From Home. This time, may additional seven songs sa repackaged album at may dalawang originals na ang nag-compose ay ang kapatid niya na si Jing.

"Ni-repackage ko rin po ang recod label ko po," sabi ni Jay-R. "Last year po, Jay-R's music, ngayon Homeworkz po. But this album is produced by Universal Records pa rin po. Yung first Christmas album ko po, 11 songs lang siya, tapos may tatlong instrumental, medyo parang dinaya ko. Ngayon, fourteen songs na siya, tinanggal ko na ang instrumental. So, nag-add ako ng mga anim na kanta. Dalawang originals and the rest, yung mga favorite Christmas songs na."

Personal choice daw ni Jay-R ang Christmas songs na nakalagay sa album niya. He's a Christmas person daw kasi. Bata pa lang daw siya, ito na ang pinakapaborito niya among the holidays.

For a good cause din daw ang Christmas album ni Jay-R dahil may kapupuntahan ang magiging sales ng album.

"Yung proceeds niya, ilalagay ko sa Kapuso Foundation," masaya niyang kuwento.

May plano rin daw siyang mag-put up ng sarili niyang foundation, although hindi pa lang daw niya naasikaso.

"Medyo busy pa, hindi ko maasikaso 'yun, but it's really on my plan."

BAND MANAGER. Bukod sa pagiging artist, very proud din na sinabi ni Jay-R na manager na rin daw siya ng isang banda.

"I wanted to make a band under Homeworkz Label. I'm teaching them the ways. Alternative band po sila, Wovv. Yung lead singer po, pamangkin ko po, my sister's daughter. Galing po siya ng States at sa bahay na rin po siya nakatira."

Bukod sa sarili niyang studio, nag-provide pa raw si Jay-R ng sariling studio ng bandang mina-manage.

"I've provided them a studio. Siya po at yung mga kaibigan niya, I provided them a studio in the back, aside from my studio ko po. Sa ngayon, nagre-record sila ng mga bagong kanta. At ang gaganda ng mga kanta. Bilib na bilib po ako sa pamangkin ko. Paglabas niyan, sigurado akong maghi-hit talaga 'yan."

Nasa launching ng album ni Jay-R last November 19 ang tinutukoy na pamangkin na si DJ. Ayon kay Jay-R, si DJ ang champion ng North America Pinoy Pop Star.

Aside from being an RnB singer, now a band manager, Jay-R is also into acting. Kasama siya sa primetime series ng GMA-7 na La Lola and he's also in the 2008 Metro Manila Film Festival entry na Desperadas 2.

STILL A KAPUSO. Natawa na lang si Jay-R when asked kung happy na ba siyang talaga sa Kapuso network dahil sa mga naging intriga na lilipat siya ng network.

"Ay, hindi po, happy naman po talaga ako!" nakangiti niyang sabi. "May two years contract pa po ako sa GMA."

But seriously, hindi ba sumagi sa isip niya ang lumipat dahil naging maingay rin ang isyu ng paglipat niya and that his manager Arnold Vegafria was talking with the ABS-CBN people?

"Well, siyempre po, inisip ko rin po. But there's still loyalty where I started po," sabi ni Jay-R.

Source: Philippine Entertainment Portal