|
|
| Singer-actor, nilayasan ang Pinas dahil sa gulo ng pulitika!![]() Author: Jojo Gabinete NAG-CELEBRATE ng 10th anniversary sa showbiz si Angelika dela Cruz sa piling ng entertainment press noong Huwebes. Kahit umuulan at may kalayuan ang venue, pinuntahan ng mga reporter ang anniversary celebration ni Angelika. Araw-araw kaming nakakatanggap ng mga e-mail mula sa mga supporter ng aktres. Nagrereklamo sila dahil parang pinababayaan daw ng ABS-CBN si Angelika at bihira itong mapanood sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Dumalo sa anniversary celebration ni Angelika ang writer ng teleserye at tiniyak nito na mapapanood na ang aktres sa susunod na linggo. Nang makausap namin si Angelika, marami itong ikinuwento tungkol sa mga pagbabago na mangyayari sa kanyang showbiz career pero nakiusap siya na off-the-record muna ang lahat. Malamang na maging isyu ang career move na gagawin ni Angelika na walang kinalaman sa balita na handa na siyang magpaseksi sa pelikula. Nag-apologize si Angelika sa entertainment press dahil hindi niya suot ang kanyang contact lens. Malabo na pala ang mga mata ni Angelika pero ayaw nito na gamitin ang kanyang salamin. Ayaw ni Angelika na isipin ng mga reporter na meron siyang amnesia kaya inamin niya kaagad na malabo ang kanyang mga mata. *** Pinanood namin noong Huwebes ng gabi ang The Great Raid. Matutuwa si Cesar Montano kapag nalaman nito na maganda ang audience attendance dahil marami ang nanood sa kanyang unang Hollywood movie. Kasama naming nanood ang film critic at TV host na si Butch Francisco. Nagustuhan ni Butch ang pelikula at pareho ang aming opinyon na importante ang role ni Cesar sa pelikula. Nanghinayang kami sa participation ni Paolo Montalban sa The Great Raid dahil isa lamang ang kanyang eksena. Mas mahaba pa ang exposure nina Alvin Anson, Ryan Eigenmann, Rez Cortez at Rommel Montano. Bumilib kami sa production designer ng pelikula dahil napagmukha niyang Pilipinas ang location kahit kinunan ito sa China at Australia. Nag-research nang husto ang production designer tungkol sa mga gamit ng mga Pilipino dahil nakakita kami ng walis tingting, sumbrero at ilang mga bagay na identified sa mga Pinoy. Gumamit din sila ng mga kalabaw. Magiging proud para kay Cesar ang ating mga kababayan kapag pinanood nila ang The Great Raid. *** Hindi kami naniniwala sa sinabi ng isang malapit kay Matet de Leon na mahina pa ito kaya hindi pa puwedeng interbyuhin tungkol sa kanyang bunsong anak na namatay kamakailan. Nakita namin si Matet at ang asawa niya habang kumakain sa isang Chinese restaurant sa Robinson�s Galleria noong Huwebes ng gabi. Mukhang nakaka-recover na ang mag-asawa sa recent tragedy sa kanilang buhay. *** Nag-migrate sa Amerika ang aming kaibigan na singer-actor. Sinabi niya sa amin na hindi na siya babalik sa Pilipinas at "for good" na ang kanyang pamamalagi sa ating bansa. Ayon sa kaibigan namin, naguguluhan na siya sa mga nangyayari sa ating bansa. Hindi natin masisisi ang singer-actor sa naging desisyon nito pero umaasa kami na susulong pa rin ang ating bansa sa kabila ng mga walang katapusang intriga sa pamahalaan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Naglilipat kami ng channel kapag ipinakikita na ang interview kay Secretary Mike Defensor na ipinagpipilitan na niretoke ang "Hello Garci" tape nina President Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Gumastos ng US3,500 si Sec. Defensor para mapatunayan na dinoktor ng mga miyembro ng oposisyon ang "Hello Garci" tape. Nanghinayang kami sa ginastos na pera ni Defensor. Nag-apologize na si President Arroyo tungkol sa pakikipag-usap nito kay Garcillano noong kainitan ng 2004 elections at para sa amin, useless pa na maghanap ng ebidensya para ma-justify na walang kasalanan ang pangulo. Mas maraming problema ang ating bansa na kailangang malutas. Sana, mag-move on na si Defensor. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo. com. Source: Abante |